Sinasabi sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na magkakatulad na akto, bagamat, hindi maituturing na krimen, ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon (cause of action) para sa mga danyos, pagtutol, at iba pang kaluwagan: Panunubok sa pribadong buhay ng iba; Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba; Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal, ay iiwasan ng kanyang mga kaibigan; Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pang relihiyon, mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba pang personal na kondisyon