Isang paraan ng pag-uuri ng mga bansa ay ang antas ng kanilang pag-unlad. Dito itinuturing ang isang bansa na industriyalisado o maunlad at umuunlad.
Palatandaang pangkabuhayan
Gross National Income (GNI)
Gross Domestic Product (GDP)
Kita ng bawat tao o Per Capita Income (PCI)
Palatandaang panlipunan
Makatwiran at dinamikong kaayusan
Kasaganaan at kasarinlan
Kalayaan sa kahirapan
Hanapbuhay para sa lahat
Umaangat na istandard ng pamumuhay at mainam na uri ng buhay para sa lahat
Sapat na mga lingkurang panlipunan
Katarungang panlipunan
Maraming bansa sa kasalukuyan ay progresibo tulad ng China at Malaysia, maraming modernong gusali ang naitatayo at maraming korporasyon ang kumikita na pinagmamay-ari ng mga dayuhang mamumuhunan. Malaki rin ang naitutulong ng mga likas na yaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya sa mga bansa sa gitnang silangan.
Ayon sa ulat ng International Monetary Fund noong 2013, naging bunga ng pag-unlad ang pag-angkat ng makabagong teknolohiya, magagaling na manggagawa at dekalidad na mga hilaw na materyales mula sa ibang bansa.
Ang kinikita ni Lothbrok (isang alemanya) bilang isang inhinyeros sa bansang Oman
Napapabilang sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansang Pilipinas na kung saan napapabilang sa palatandaang pangkabuhayan
Si Siggy
Isang matandang dalaga na naninirahan sa Lunzuran, nasa edad 80 sa kasalukuyan
Ang pagkakaron ng mahabang buhay ni Siggy
Isang panlipunang palatandaan
Ang pag-apruba ng Pangulo sa pagtanggal ng kontraktuwalisasyon sa mga trabaho
Isang manipesto ng palatandaang pangkabuhayan
Ang pagbibigay ng libreng contraceptives at serbisyo sa mga pamilya para sa "Family Planning"
Patuloy na isinasagawa ng pamahalaan upang masiguro ang pagplano ng pamilya, isa ito sa palatandaang tungkol sa mainam na buhay para sa lahat
Hindi tugma ang nangyayari sa bansa kung ang kalagayan ng buhay ng mga Pilipino ang pag-uusapan
Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 percent ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China
Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito
Nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala
Noong 2012, umangat daw ng 6.6 percent ang ekonomiya
Tuwang-tuwa ang pamahalaan sapagkat ngayon lamang umigpaw nang malaki ang ekonomiya ng bansa
Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa maayos at mabuting pamamahala
Patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito
Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsyon
Ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa ay ang pagkakaroon ng makabagong teknolohiya
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao
Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto sa pagkakaroon ng hanapbuhay para sa mga manggagawa
Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon