Arpan notes 2nd week

Cards (27)

  • Bawat mamamayan ay may mahalagang gampanin sa pag-unlad ng bansa. Hindi ito uunlad kung hindi gagampanan ng bawat isa ang mga gampanin o tungkulin nito. Ang mga mamamayan ay mahalagang sangkap sa pagkamit ng kaunlaran at katatagan ng bansa.
  • Iba't ibang Gampanin ng Mamamayang Pilipino upang Makatulong sa Pambansang Kaunlaran

    • Tamang pagbabayad ng buwis
    • Makialam
    • Bumuo o sumali sa kooperatiba
    • Pagnenegosyo
    • Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
    • Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
    • Tamang pagboto
    • Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad
  • Tamang pagbabayad ng buwis
    Ang pagbabayad ng tamang buwis ay makatutulong upang magkakaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan at iba pa
  • Makialam
    "Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban". Anumang uri ng anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala ay dapat itama. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang pagiging tapat sa pribado at publikong buhay
  • Bumuo o sumali sa kooperatiba

    Ang mga kasapi ng isang kooperatiba o koop ay naniniwala sa sama-samang pag-unlad. Sila'y nagkakaisa upang makamit ang kanilang socio-economic goals sa pamamagitan ng sama-samang pagmamay-ari at demokratikong pamamahala ng isang negosyo
  • Pagnenegosyo
    Bilang isang Pilipino, dapat nating sikapin na maging negosyante at hindi dapat makontento na maging isang manggagawa lamang habambuhay. Makokontrol ng Pilipino ang kabuhayan at ekonomiya ng bansa kung tayo mismo ang nagpapatakbo ng negosyo at hindi ang mga dayuhan
  • Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
    Ang aktibong pakikisama at pakikilahok sa pamamahala ng gobyernong lokal at nasyonal para maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa
  • Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
    Tangkilikin ang sariling atin. Ang pagtangkilik ng produktong dayuhan ay hindi nakatutulong sa ekonomiya ng bansa. Ang yaman ng bansa ay nawawala sa tuwing tinatangkilik natin ang produktong dayuhan
  • Tamang pagboto
    Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato sa halalan. Suriin din natin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang malaman kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito. Iboto lamang ang mga kandidatong may malinaw at konkretong programa para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa
  • Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad
    Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan at pamahalaan. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpapatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad
  • Matutukoy ang iba't ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran
  • Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin para makatulong ka sa pag-unlad ng bansa?
  • Anong gampanin ang tumutukoy sa pagbabayad ng tapat at wastong buwis sa pamahalaan?
  • Ano ang pinakatamang kahulugan ng kooperatiba?
  • Pagbabayad ng tamang buwis
    Gampanin o tungkulin ng mamamayan upang makatulong sa pambansang kaunlaran
  • Pag-iwas o 'di pagbili sa mga produktong galing sa ibang bansa
    Gampanin o tungkulin ng mamamayan upang makatulong sa pambansang kaunlaran
  • Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
    Gampanin o tungkulin ng mamamayan upang makatulong sa pambansang kaunlaran
  • Bawat isa ay may mahalagang gampanin sa pag-unlad ng bansa
  • Ang mga mamamayan ay mahalagang sangkap sa pagkamit ng kaunlaran at katatagan ng bansa
  • Mga gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran
    • Pagiging mapanagutan
    • Pagiging maabilidad
    • Pagiging makabansa
    • Pagiging maalam
  • Gampanin
    Tungkulin o responsibilidad
  • Ang buwis na nakakalap ng pamahalaan ay ginagamit upang makalikha ng pampublikong paglilingkod
  • Mga gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran
    • Maging mahusay na manggagawa ng bayan
    • Maging isang maabilidad at maalam na mamamayan
    • Maging maalam, makabayan, maabilidad at mapanagutang mamamayan ng bayan
  • Pagiging mapanagutan
    Nagpapakita ng pagbabayad ng wastong buwis sa pamahalaan
  • Pagiging makabayang mamamayan
    Nagpapakita ng pagtangkilik sa mga produktong Pinoy
  • Mga gampanin ng mamamayang Pilipino
    • Pagiging mapanagutan
    • Pagiging maalam
    • Pagiging makabansa
    • Hindi pagiging makasarili
  • Bilang isang mag-aaral, maaari mong gawin upang makatulong sa bansa ang maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan at makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad