Kabanata 2

Cards (27)

  • Lupang Hinirang

    Pambansang awit ng Pilipinas
  • Ang Lupang Hinirang ay ginawa ng pianistang si Julian Felipe ayon sa kahilingan ni Hen. Emilio Aguinaldo nang hindi niya nagustuhan ang komposisyon ng isang Pilipinong nasa Hongkong
  • Ang orihinal na komposisyon ni Felipe ay pinamagatang "Marcha Filipina Magdalo"
  • Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Felipe habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang bandila ng Pilipinas sa bintana ng mansion ni Aguinaldo
  • Noong sumunod na taon, isang tula na may titulong "Filipinas" na bumagay sa komposisyon ni Felipe ang isinulat ng isang batang sundalo na si Jose Palma
  • Noong 1954, si Gregorio Hernandez, Jr., Kalihim ng Edukasyon na ay bumuo ng komite para baguhin ang mga titik ng Pambansang Awit
  • Nagkaroon lang ito ng kaunting rebisyon noong 1962
  • Sa bisa ng isang batas sa mga Bagong Pambansang Sagisag ng Pilipinas noong 1998, nakumpirma ang bersyong Filipino ng Pambansang Awit
  • Paggalang sa Lupang Hinirang

    Dapat awitin nang madamdamin, nakaharap sa nakaladlad na Pambansang Watawat ng Pilipinas (kung mayroon) at kung wala naman, ay dapat humarap sa bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas, ilagay ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit
  • Mga awiting pinoy noon hanggang ngayon
    • Left and Right (BTS)
    • Ikaw at Sila (Moira Dela Torre)
    • Pasilyo (Sunkissed Lola)
    • Nagloko Ka rin Naman (Humprey Lofranco)
    • Mama Mia
    • Selos (Shaira)
    • Tungod Nimo (Angelo Rudy)
    • Kung Uulitin (Yeng Constantino)
    • Unti-Unti (Up DHARMA down)
    • We Made It (Nik Makino)
    • Gusto with Ya (Deny)
    • Hiling (Mark Carpio)
    • Elevate (Jeff Grecia)
    • LDR (Shoti)
    • Maria Clara (Janah Rapas x Pjansein)
    • Labis na Nasaktan (Jennelyn Yabu)
    • Palangga (Shael)
    • At ang Hirap (Angeline Quinto)
  • Mga awiting bayan
    • Bahay-Kubo
    • Leron Leron Sinta
    • Atin Cu Pung Singsing
    • Paruparong Bukid
  • Kasuotang Pinoy batay sa iba't ibang Rehiyon
    • Noon, ang mga lalaki ay nakabahag ngunit may kanggan na pang-itaas, na maikliang manggas at itim o asul na kamisang walang kuwelyo, ang kulay ng kamisa ang nagpapakilala kung ano ang antas o ranggo ng nagsusuot noon
    • Ang pananamit ng mga babae ay binubuo ng pang-itaas na kung tawagi'y baro at ng pang-ibaba na kung tawagin ay saya, sa Kabisayaan, ang tawag dito ay patadyong
    • Ang istilo ng pananamit at pang-unawa ng mga Pilipino sa makabagong panahon ay naimpluwensyahan ng kanilang mga katutubong ninuno, ang mga kolonisador ng Espanya at ng mga Amerikano
    • Noon ay walang sapatos ang mga tao, kaya't ang lahat ay nakatapak, ang ulo ay may putong, na anup't isang kayong damit na nakabilibid sa ulo, ang kulay ng putong ay nagpapakilala ng "pagkalalaki"
  • akabahag
    Kasuotan na may kanggan na pang-itaas, na maikliang manggas at itim o asul na kamisang walang kuwelyo
  • Kulay ng kamiseta
    Nagpapakilala kung ano ang antas o ranggo ng nagsusuot noon: pula - datu, asul/bughaw/itim - mababa kaysa datu
  • Pananamit ng babae
    Binubuo ng pang-itaas na baro at pang-ibaba na patadyong
  • Istilo ng pananamit at pang-unawa ng mga Pilipino sa makabagong panahon ay naimpluwensyahan ng kanilang mga katutubong ninuno, ang mga kolonisador ng Espanya at ng mga Amerikano
  • Noon ay walang sapatos ang mga tao, kaya't ang lahat ay nakatapak
  • Putong
    Kayong damit na nakabilibid sa ulo, kulay nito nagpapakilala ng "pagkalalaki": pula - nakapatay na ng isang tao, may burda - nakapatay na ng maraming tao
  • Babae ay hindi naglalagay ng putong, ngunit ang kanilang buhok ay nakapusod
  • Kimona
    Tradisyonal na Filipino clothing sa mga babae na galing sa Visayas, pwedeng suotin araw-araw, gawa sa Pina Jusi (Pineapple Fibre)
  • Patadyong
    Tradisyonal na Filipino clothing sa mga babae, hugis-parihaba na galing sa West Visayan wrap, gawa sa cotton fabric na karaniwang may mabulaklak o checkered na prints
  • Kasuotan ng lalaki

    Dyaket na may maikling manggas, may basehan ng ranggo ang bawat kulay: pula - pinuno, itim/asul - nasasakupan; bahag - kasuotang tela mula bewang na nakatapis sa pagitan ng mga hita
  • Iba pang kasuotan sa iba't ibang rehiyon
    • Manobo
    • Ifugao
    • Bicolano
    • Tagalog
    • Tausug
    • Pangasinense
    • Igorot
    • Badjao
  • Sa paglipas ng panahon unti-unting nababago ang kaantasan nating mga Pilipino pagdating sa mga kasuotan
  • Ang mga kabataan ang pangunahin na naiimpluwensyahan ng social media pagdating sa pananamit
  • Nauso na rin ang tinatawag na OOTD o Outfit of the day
  • Siguraduhin na akma ang kasuotan sa paggagamitan o sa okasyon man na dadaluhan