FIL3

Cards (102)

  • Tayutay o Matalinghagang Pagpapahayag
    Nagbubunyag sa katangian ng istilong prosa o tuluyan ng isang tao
  • Ang mga tayutay ay ang mga "graces of language" (ang pagiging mainam o makinis ng lenggwahe), mga "dressing of thought" (pagbibigay – kulay sa mga ideya o kaisipan), "embellishments" (mga rekado upang mas lalong malalasahan ang linamnam)
  • Ang mga tayutay ay nagbibigay ng linaw at buhay sa pagpapahayag ng mga kaisipan upang maunawaang mabuti ang mga ideyang inilalahad at matatanggap ang ating mga pangangatwiran
  • Mga uri ng matalinghagang pananalita
    • Schemes
    • Tropes
  • Mga uri ng Schemes
    • Orthographical Schemes
    • Schemes of Balance
    • Schemes of Unusual or Inverted Word Order
    • Schemes of Omission
  • Prosthesis
    Pagdadagdag ng isang pantig sa simula ng salita
  • Aphaeresis
    Pagbabawas ng pantig sa hulihan ng salita
  • Syncope
    Pagbabawas ng isang pantig sa gitna ng salita
  • Metatesis
    Transposisyon o paglilipat ng posisyon o lugar ng ponema sa isang salita
  • Parallelism
    Pagkakahawig ng istruktura ng pares na pahayag o magkaugnay na mga salita, parirala o sugnay
  • Patambis (Antithesis)
    Pagkakatabi – tabi ng magkasalungat na mga sugnay na karamihan ay magkaagapay
  • Pagsalungat (Epigram)

    Kahawig ng patambis o antithesis ngunit higit itong maikli kaysa patambis, magkasalungat ang kahulugan ng mga salitang pinag – uugnay
  • Pasaliwa (Anastrophe)

    Pagbabaligtad ng nakagawiang ayos ng pananalita
  • Apposition
    Pagkakalagay ng dalawang pangngalan na magkaugnay sa isang pangungusap
  • Ellipsis
    Sadyang pagbawas ng isa o mga salitang naipahiwatig na sa pahayag
  • Asyndeton
    Sinadyang pag – iwas ng mga pangatnig sa pagitan ng kawil - kawil na mga sugnay
  • Panggagahasa ay kasalanang sekswal sa mga karaniwang taong bayan, adultery sa mga manggagawa, at incest sa mga dugong bughaw
  • Sa halimbawang ito, inalis o hindi na binanggit pa ang salitang kasalanang sekswal bagkus mauunawaan na ang mga salitang tulad ng adultery at incest ay sinasaklaw na nito
  • Asyndeton
    • I came, I saw, I conquered
    • ang pamahalaan ng tao, sa mga tao, para sa tao
  • Polysyndeton
    Sadyang paggamit ng maraming pangatnig
  • Polysyndeton
    • Biglang dumagundong ang kulog at bumuhos ang malakas na ulan at rumagasa ang tubig at nagmistulang dambuhalang lumamon sa nadaanang mga bato
    • Pawang pagdadalamhati at pagdurusa ang nakamtan niya sa kamay ng kanyang bana at biyenan at siya'y lumayas at nagpatiwakal
  • Alliteration
    Pag – uulit ng unang titik o pantig ng mga salita
  • Anaphora
    Pag – uulit ng isang salita sa unahan ng isang sugnay
  • Epanalepsis
    Pag – uulit ng parehong salita sa unahan at sa hulihan ng magkasunod na sugnay
  • Epistrophe / Epiphora / Antistrophe
    Pag – uulit ng isang salita sa hulihan ng sunud – sunod na taludtod
  • Empanodos / Antimetabole
    Pabalik na pag – uulit, binaligtad ang ayos ng pahayag
  • Empanodos / Antimetabole
    • Ang Diyos ang simula ng wakas at ang wakas ng simula
    Ang langit ay lupa at ang lupa ay langit
  • Anadiplosis
    Pag – uulit ng huling salita sa isang sugnay sa unahan ng kasunod na sugnay
  • Polyptoton
    Pag – uulit ng mga salitang nagmumula sa iisang salitang – ugat ngunit may magkaibang katapusan
  • Polyptoton
    • "Love is an irresistible desire to be irresistibly desired ". (Robert Frost)
    Ang buhay ng tao ay parang gulong, magulungan at makagulong
  • Climax
    Paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas
  • Simile
    Naghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay at pangyayari. Ginagamitan ito ng mga pariralang katulad ng, tulad ng, kapara ng, para ng, kagaya ng, gaya ng, animo'y, mistula, wari, kawangis ng, anaki'y, tila, ga, kasing, atbp.
  • Simile
    • Ang kawangis niya'y isang ibong nabalian ng pakpak
    Ang buhay ay katulad ng gulong na minsa'y nasa ibabaw at minsa'y nasa ilalim
  • Metaphor
    Naghahambing din ito ngunit hindi na gumagamit ng mga pariralang tulad ng animo'y gaya ng sa Pagtutulad
  • Metaphor
    • Isang bukas na aklat sa nayon ang buhay ni Maan Donne
    Mapupulang makopa ang mga pisngi ni Renavil
    Bato ang puso ni Berclinton sa pakiusap ni Lorraine Jearcel
  • Analogy
    Paghahambing na nagpapakita ng ugnayan ng kaisipan sa kapwa kaisipan. May tambalang paghahambing na nangangahulugan ng pagkakawangki ng mga pagkakaugnay
  • Analogy
    • Siya'y tanging siya, ang paru – parong gubat; mandi'y isang tinik sa lipon ng mga rosas
    Ang pagsikat ng araw sa umaga ay parang pag-asang sumisikat
    Ikaw ang tala at ako ang buwan na gusto ko laging kasama
    Ang paghalimuyak ng bulaklak ay katulad ng pag-ibig ni Baldo kay Marta
    Ang mga dalaga ang bulaklak at kaming kabinataan ang mga bubuyog
  • Hyperbole
    Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari
  • Hyperbole
    • Nadurog ang puso ni Virginia sa makabagbag damdaming tagpo sa pelikulang pinanood
    Baka matunaw ako sa katititig mo
    Umulan ng dolyar sa tahanan nina Christine nang dumating si Ferlie
  • Allegory
    Ang kahulugan ay hindi tahasang ipinahihiwatig at ang taludturan ay kinapapalooban ng mga talinghaga