Gampanin ng Mamamayan sa Pag-unlad ng Bansa

Cards (53)

  • Marami ring ideologiya ang naglalaman ng mga konsepto at teorya sa ekonomikong pag-unlad.
  • Isang ideolohiya ay hindi lamang isang uri ng pananalita o salaysay, kundi isang sistema ng paniniwala at opinyon na pinaghihimay ng iba't ibang tao.
  • Natutukoy ang ibat ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran
  • Mga gampanin ng mamamayan na makatutulong sa pag-unlad ng bansa

    • Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos ng mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran
  • Paano makatutulong sa pag-unlad ng bansa ang pagtupad sa mga gampaning tinutukoy
    1. Tamang pagbabayad ng buwis
    2. Makialam
    3. Bumuo o sumali sa Kooperatiba
    4. Pagnenegosyo
    5. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
    6. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
    7. Tamang pagboto
    8. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad
  • Mga halimbawa ng mga gawaing ginagampanan ng mamamayang Pilipino para sa kaunlaran ng bansa

    • Mapanuri
    • Maabilidad
    • Makabansa
    • Maalam
  • Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan
  • Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa
  • Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi
  • Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan
  • Ang tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan
  • Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban
  • Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala
  • Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay
  • Hindi katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho
  • Kooperatiba
    Pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin
  • Ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba
  • Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi ring naniniwala sa sama-samang pag-unlad
  • Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan
  • Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
    Aktibong pakikilahok sa barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino
  • Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatan gkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino
  • Tamang pagboto
    Pag-aaral ng mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto, at pagsusuri ng mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito
  • Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran
  • Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad
  • Bilang mamamayang Pilipino, may tungkulin ka rin na dapat gawin upang mapaunlad ang bansa
  • Ang pagtutulungan ng mga mamamayan ay mahalaga para sa pag-unlad ng bansa
  • Pagtawid sa tamang tawiran
    Pagsasakay at pagbaba sa tamang sakayan at babaan
  • Pagsunod sa mga tuntunin at alituntunin sa paaralan
    Pangangalaga sa ating kapaligiran
  • Pagiging masipag sa pag-aaral
    Pagsunod sa mga magulang
  • Ang pangkalahatang mensahe ng awitin ay ang pagiging mabuting Pilipino
  • Ang mga tungkulin na inilahad sa awitin ay tungkulin ng bawat mamamayang Pilipino
  • Ang pagtutuparan ng mga tungkuling ito ng bawat mamamayan ay makatutulong sa pambansang kaunlaran
  • Bilang isang mabuting Pilipino, maaari akong tumulong sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng mga gawaing nakalista sa awitin
  • Ang sama-samang pagkilos ng mga mamamayan ay mahalaga para sa kaunlaran ng bansa, tulad ng walis tingting na nagsasama-sama ang mga tinig
  • Bilang mag-aaral, may panata akong itataguyod ang aking gampanin para sa kaunlaran ng ating bayan at sa aking kinabukasan at sa mga susunod pang henerasyon
  • Agrikultura
    Agham at sining na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng hilaw na materyal mula sa likas na yaman
  • Agrikultura ay tinaguriang gulugod ng ekonomiya (backbone of the economy)
  • Agrikultura ang pinakavulnerable na sektor ng ekonomiya
  • Mga bumubuo sa sektor ng agrikultura
    • Pagsasaka
    • Paghahayupan
    • Pangingisda
    • Paggugubat
  • Pagsasaka
    Produksyon ng aning pagkain (food crops) o aning pang pambenta (commercial crops)