Fil101

Cards (11)

  • Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936
  • Pangunahing layunin ng Surian
    Piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas
  • Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang "ang Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang katutubo"
  • Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra ang naging unang direktor
  • 8 pangunahing wika sa Pilipinas
    • Tagalog
    • Cebuano
    • Ilokano
    • Hiligaynon
    • Bikol
    • Waray
    • Kapampangan / Pampango
    • Pangasinan / Pangalatok
  • Bakit Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa

    • Ito ay may pinakamayamang talasalitaan
    • Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan
    • Higit na marami ang panitikang naisulat sa Tagalog
    • Ito ang wikang ginagamit ng nakararami
    • Madali itong pag-aralan, matutuhan at bigkasin
  • 1940 - (Kautusang Tagapagganap Blg. 263) Binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa
  • Itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansang Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa
  • Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito
  • 1940 - (Kautusang Pangkagawaran at Sirkular Blg 26.) Pinalabas ni Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran: ito'y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal
  • Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg.570 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal
    Hunyo 4, 1946