Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
leo james english
Pagbibigay kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita
kenneth goodman
Isang "psycholinguistic guessing game" o saykolingguwistiks na panghuhula o kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa
james dee valentine
Pinakapagkain ng utak. Sa maraming pagkakataon ay nagtatagumpay ang taong mahilig magbasa
james coady
Pag-uugnay sa dating kaalaman sa binasang konsepto
Makrong Kasanayan
Pakikinig
Pagsasalita
Pagbasa
Pagsulat
Panunuod
Teoryang Iskema
Ang lahat ng dating kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay ay napapangkat sa dalawa: Ayon sa dating kaalaman at karanasan (background knowledge) at Ayon sa kayariang balangkas ng dating kaalaman, tinatawag na iskemata (panmaramihan na iskema)
Teoryang Bottom-up
Nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (Up) naniniwala na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto yugtong pagkilala ng mga titik tungo sa salita parirala, pangungusap ng buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan nito
Teoryang Top-Down
Ang pag-unawa ay hindi nagmumula sa teksto kundi sa mambabasa (Top) tungo sa teksto (Down)
Teoryang Interaktib
Kombinasyon ng "topdown" and "bottom up" na dahil dito nakabubuo ng aktibong ugnayan o interaksyon ang manunulat at mambabasa
Uri ng Pagbasa
Intensibong Pagbasa
Ekstensibong Pagbasa
Paraan ng Pagbasa
Malakas o Pabigkas na Pagbasa
Matahimik na Pagbasa
pag sulat ng teksto
unang sulat o draft Ang kadalasang produkto ng bugso ng damdaming nanggagaling sa iyong puso. Ito ay ang iyong iniisip tungkol sa paksa, ito ang iyong nadarama
Talata
Binubuo ng kalipunan ng mga pangungusap na umiikot o tumatalakay sa isang kaiisipan o ideya
Pamaksang pangungusap
Itinuturing na tagapaglagom ng kaisipan ng talata. Kadalasan itong nakikita sa unahan o hulihan ng isang talata, ngunit minsan naman ay mababasa rin ito sa gitnang bahagi. Kilala rin ito bilang pangunahing ideya
Pantulong na pangungusap
Tumutulong sa paglilinaw ng mensaheng inilalahad ng pamaksang pangungusap. Ito ay ang pangungusap na nagbibigay ng paliwanag o detalye sa isinasaad na paksang pangungusap
Mga Katangian ng isang Mabisang Talata o Komposisyon
Kaisahan
Kaugnayan
Tuon
Tekstong Impormatibo
Isang uri ng pagpapahayag na nagpapaliwanag ng mahahalagang impormasyon o kaalaman, na may taglay na lohikal na paghahanay ng mga kaisipan para sa lubusang pagunawa
Layunin ng Tekstong Impormatibo
Nagbibigay kahulugan
Nagpapaliwanag ng Sanhi at Bunga
Nagtutulad at nagtatambis (Paghahambing at Pagkokontras)
Naghahatid ng Balita
Naglalahad ng Suring-Basa
Naglalahad ng Suring-Pelikula
Mga Bahagi ng Tekstong Impormatibo
Pamagat
Panimula
Katawan
Pangwakas
Tekstong Deskriptibo
Layunin ng tekstong deskriptibo na maipinta sa hiraya ng mambabasa ang hitsura, amoy, lasa, tono, at pakiramdam ng anumang bagay, tao, lugar, pakiramdam at/o pangyayari
Nilalaman ng teksto
Pamagat
Panimula
Katawan
Pangwakas
Katawan
Ito ang kabuuang nilalaman ng teksto
Dito makikita ang mga datos o impormasyong kailangang mabatid ng mga mambabasa
Kinakailangang ang mga impormasyong ito ay totoo, akma, napapanahon, at madaling maunawaan
Kung may mga terminolohiyang mahirap maunawaan, kailangang itong maipaliwanag nang maayos upang hindi maging balakid sa pag-unawa ng mga mambabasa
Pangwakas
Kung gaano kahusay ang pamagat at panimula, ganoon din dapat ang pangwakas
Maaaring magbigay ng mga paalala, tagubilin, mahahalagang kaisipan, buod ng nilalaman, pagbabahagi ng natatanging pahayag, kasabihan o salawikain
Kinakailangan ito upang mag-iwan ng impact o dating ang teksto
Layunin ng tekstong deskriptibo na maipinta sa hiraya ng mambabasa ang hitsura, amoy, lasa, tono, at pakiramdam ng anumang bagay, tao, lugar, pakiramdam at/o panahon na nais ibahagi ng manunulat
Mga uri ng paglalarawan
Karaniwang paglalarawan
Masining na paglalarawan
Karaniwang paglalarawan
Tinatawag ding obhektibong paglalarawan, nagbibigay ng tiyak na deskripsyon o impormasyon ukol sa inilalarawan
Masining na paglalarawan
Artistikong nagbibigay-deskripsyon sa inilalarawan, gumagamit ng mga matatalinghagang salita
Matalinghagang mga pahayag
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagbibigay-katauhan o Pagsasatao
Pagmamalabis
Pagtawag
Pagpapalit-tawag
Pagpapalit-saklaw
Pagsalungat
Kabalintunaan
Tanong retorikal
Paglilipat-wika
Paghihimig
Pang-uuyam
Idyoma
Mga pahayag na nagbibigay ng hindi tuwirang kahulugan o kahulugang malayo sa literal nitong ibig sabihin
Layunin ng tekstong persuweysibo na makapanghikayat o makapagkumbinsi sa pamamagitan ng mga salitang mapanghikayat na sinusuportahan ng matibay na patunay o ebidensya
Mga sangkap ng tekstong persuweysibo
Pili, maayos, at epektibong gamit ng mga salita
Disposisyon
Matibay na patunay
Iba't ibang midya sa paglalahad ng adbertisment: pahayagan, radyo, telebisyon, internet
Tatlong paraan ng panghihikayat ayon kay Aristotle
Ethos
Pathos
Logos
Ad hominem fallacy - ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito
Paghahambing at pagkokontrast bilang tekstong persuweysibo - magagabayan ang mga mambabasa sa makabuluhang pagpili at ito ang nagiging daan niya upang siya ay makumbinsi na gawin o bilhin ang isang bagay