Filipino

Cards (21)

  • Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-iimbestiga at pag aaral upang makapagpaliwanag at makapaglapag ng katotohanan gamit ang iba't ibang batis ng kaalaman.
  • Sistematik - May sinusunod o magkakasunod-sunod na mga hakbang.
  • Kontrolado - Lahat ng mga varyabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.
  • Mapanuri - Ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal.
  • Obhektiv, lohikal, at walang pagkiling - Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos. Walang puwang rito ang pansariling pagkiling.
  • Gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo - Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment.
  • Orihinal na akda - Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.
  • Isang akyureyt na investigasyon, obserbasyon, at deskripsyon - Bawat aktividad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt.
  • Matiyaga at hindi minamadali - Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito.
  • Pinagsisikapan - Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino, at sipag upang maging matagumpay.
  • Maingat na pagtatala at pag-uulat - Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala.
  • Empirikal - Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik maging ang datos na nakalap.
  • Panimulang Pananaliksik (Basic Research) - Layunin ay magpaliwanag. Deskriptibo o naglalarawan.
  • Pagtugon Pananaliksik (Applied Research) - Layunin na matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin. May layunin na solusyonan ang suliranin.
  • Pananaliksik na Nagtataya (Evaluation Research) - Pag aaral ng proseso at kinalabasan ng solusyon.
  • Pagkilos na Pananaliksik (Action Research) - Naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin. Mas payak ang suliranin at impormal ang pangongolekta ng datos. Pang sekundarya at kolehiyo.
  • Makaagham o Siyentipiko - Kailangan may hypothesis. Gagawa ng eksperimento upang patunayan ito. Pabuod o indaktibo.
  • Literari o Pampanitikan - Mas payak at karaniwang ginagamitsa kolehiyo. Hindi kailangan mag eskperimento. Handa na ang kakailanganin.
  • Paggamit ng teksto ng ibang manunulat o mananaliksik (Plagiarism) - Ito ay ang paggamit ng mga salitang hinango mula sa ibang teksto at inangkin nang buong-buo nang hindi binabanggit ang orihinal na pinagkunan.
  • Pagreresiklo ng mga materyal (Recycling) - Ito ang muling paggamit ng mga nailathalang materyal o mga papel na naipasa na sa ibang kurso.
  • Agarang pagbibigay ng kongklusyon nang walang sapat na batayan - Ito ay pagbuo ng akademikong papel nang hindi pinagtuunan ng masusing pag-aaral ang mga datos at mabilisang nagbigay ng kongklusyon o rekomendasyon para matapos lamang ang sulatin.