Epekto ng Makabagong Tektonolohiya sa komunikasyon ng magkasintahan na nasa ika-apat na taon sa kolehiyo sa Lyceum of Alabang Inc. taong 2021-2022
Makabagong Teknolohiya
komunikasyon ng magkasintahan
Bumubuo ng Unang Kabanata
Panimula o Introduksyon
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Panimula o Introduksyon
Nakapaloob dito ang maikling talata na kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik
Layunin ng Pag-aaral
Inilalahad ang pangkalahatang layunin o DAHILAN kung bakit sinasagawa ang pag-aaral, tinutukoy rito ang mga ispesipik na SULIRANIN na nasa anyong PATANONG
Kahalagahan ng Pag-aaral
Inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral, inilalahad kung SINO ang makikinabang sa nasabing pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon sa lipunan
Saklaw at Limitasyon
Tinutukoy ang SIMULA at HANGGANAN ng pananaliksik, tinutukoy rin kung sino-sino ang mga baryabol, at lugar kung saan ang SAKOP ng pananaliksik
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Inililista rito ang mga salitang ginamit sa pag-aaral, tanging mga katawagan, salita o pariralang may espesyal na gamit o natatanging kahulugan sa pag-aaral, pagbibigay ng Depinisyon sa mga salitang di-pamilyar
Mga Paraan ng Pagbibigay ng Kahulugan
Operasyunal na Pagpapakahulugan
Konseptuwal na Kahulugan
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Tinutukoy ang mga PAG-AARAL at mga babasahin o LITERATURA na may kaugnayan sa paksang sinasaliksik, kailangan na matukoy ng mga mananaliksik kung sino-sino ang mga may akda ng nakuhang pag-aaral at literatura
Mga Hangganan ng Datos
Primarya
Sekondarya
Elektroniko
Primarya
Pagkuha ng impormasyon na kung saan ay nakuha mismo ng mananaliksik ang isang impormasyon sa taong nagsasalita, mga babasahin; dokumento, institusyon, batas, kontrata, dyornal, talaarawan
Sekondarya
Pagkuha ng datos mula sa mga babasahin tulad na nagmumula sa aklat o mga tesis
Elektroniko
Ang mga datos o impormasyon ay mula sa elektronikong bagay tulad ng kompyuter, cellphone at iba pa
Istilo ng A.P.A.
Paraan ng Dokumetasyon ng mga mananaliksik, mas pinipili na ng marami ang paraang iminumungkahi ang A.P.A
Mga Paraan ng Pagsulat ng Dokumentasyon sa A.P.A.
Kung nabanggit na ang pangalan ng Awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isusulat sa loob ng parentesis
Kung hindi naman nabanggit ang awtor sa unahan, banggitin na lamang ito sa hulihan
Kung dalawa ang Awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon
Kung tatlo o higit pa ang Awtor hindi lahat ng manunulat ay kailangan na banggitin kundi ang mga apelyido lamang na nauuna sa alpabeto ang tanging babanggitin
Kung ang manunulat ay magkapareho ang apelyido banggitin na lamang ang inisyal ng awtor saka susundan ng taon ng publikasyon
Kung wala talagang binaggit na pangalan ng may akda kunin na lamang kung ano ang PAMAGAT ng librong pinagkuhanan ng impormasyon at isulat ng aytalisado ang font na may panipi
Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng isang awtor banggitin na lamang ang mga akda at paikliin hangga't maaari, sa loob ng panaklong isulat ang pamagat ng aklat na naka aytalisado na may panipi
PANANALIKSIK
Ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko/organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan.
Sa akademya, ang pananaliksik ay isang mahalagang gawain na hindi maiiwasan ng sinumang mag-aaral.
MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA
Kasapatan ng Datos
Limitasyon ng Panahon
Kakayahang Pinansyal
Kabuluhan ng Paksa
Interes ng Mananaliksik
Kasapatan ng Datos
Kailangan may sapat na literatura hinggil sa paksang pagpipilian.
Limitasyon ng Panahon
Ikonsidera ang saklaw ng panahon ng pananaliksik
Kakayahang Pinansyal
Kailangan na naaayon sa kaukulang budget ng mananaliksik
Kabuluhan ng Paksa
Kailangan na mapapakinabangan ng mananaliksik at ng mga tao
Interes ng Mananaliksik
Naaayon sa kawilihan o interes ng mananaliksik
PAGLILIMITA NG PAKSA
Panahon
Edad
Kasarian
Perspektib
Lugar
Propesyon o Grupong Kinabibilangan
Anyo o Uri
Partikular na Halimbawa o Kaso
Kumbinasyon ng Dalawa o Higit Pang Batayan
Panahon
Sa pamamagitan ng pagkakaroon nang mas tiyak na panahon, natutulungan ang mananaliksik na ilapat ang kontekstong iniikutan ng pananaliksik.
Edad
Tinutukoy sa edad ang range o age, group o gap ng mga respondent o subject sa pananaliksik
Kasarian
Tinutukoy rito ang tiyak na function ng tiyak na kasarian sa paksa ng pananaliksik
Perspektib
Tinutukoy rito ang mas tiyak na pag-aangkop ng perspektib sa paksa ng pananaliksik
Lugar
Pagtukoy sa mas tiyak na lokasyon ng pananaliksik.
Propesyon o Grupong Kinabibilangan
Pagtukoy sa mas tiyak na grupo o propesyon at ang kanilang silbi sa pananaliksik.
Anyo o Uri
Tumutukoy sa tiyak na anyo o uri ng paksang pinag-aaralan.
Kumbinasyon ng Dalawang o Higit Pang Batayan
Maaaring magsama-sama sa pagsasaalang-alang ng dalawa o higit pang mga aytem na nauna nang nabanggit.
Pamagat ng Pananaliksik
Kailangan maging malinaw (hindi matalinhaga), tuwiran (hindi maligoy) at tiyak (hindi masaklaw). May iminumungkahi lang sa pagsulat ng pamagat ay kaylangan ito ay binubuo lamang ng salitang 'di kukulangin sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu (20). Di kasama sa bilang ang mga salitang pangkayarian tulad ng pantukoy, pananda at pang-ugnay.
Ang mga nasa gitnang puwesto sa papel: kabanata at ang pamagat nito at ang mga subtitulo kailangan na nakasentro sa pahinang papel.
Bold facing: Bilang, Pamagat Ng Kabanata, Subtitulo
Kapitalismo: unang letra sa simula ng pangungusap ay kailangan nakasulat ng Malaki
All caps: Pamagat ng pananaliksik, pamagat ng kabanata
Daglatin: G, Gng, Bb. Dr. Prof, Rev, Phd, Jr.
IKATLONG PANAUHAN: laging Mananaliksik ang gamitin upang mapakilala ang pangkalahagang gumawa.