Pagpili ng Paksa

Cards (24)

  • Paksa
    Mabuting pananaliksik ay nagsisimula sa mahusay na paksa. Piliin mo itong mabuti para sa matagumpay na pagsasagawa
  • Pagpili ng Paksa
    Isa sa mga pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng pananaliksik. Madalas ay ang paksang laging ginagamit ang pinipili ng mga mananaliksik dahil ang mga ito ang laging nakikita sa kapaligiran at sa iba't ibang uri ng media. Subalit kung mag-iisip at maging mapanuri ang mananaliksik ay marami pang maaaring mapagkunan ng paksa, isang bago at naiibang paksa.
  • Mapagkunan ng paksa
    • Internet at Social Media
    • Telebisyon
    • Diyaryo at Magasin
    • Mga pangyayari sa iyong paligid
    • Sa Sarili
  • Sulating Pananaliksik
    Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos sa nasaliksik kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap na siyang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik.
  • Pananaliksik
    Isang masusing pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian. May tatlong mahahalagang layunin: Makahanap ng teorya, Malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito, Makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
  • Sulating Pananaliksik
    Isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mapagkakatiwalaang impormasyon upang masagot ang isang tanong at upang makadagdag sa umiiral na kaalaman.
  • Katangian ng Pananaliksik
    • Obhetibo
    • Sistematiko
    • Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
    • Empirikal
    • Kritikal
    • Masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan
    • Dokumentado
  • Mga bagay na dapat isaisip ng mananaliksik
    • Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan
    • Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin
    • Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan
    • Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito
    • Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa
    • Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan, sa pagkuha ng mga datos nang walang tinatago, iniiwasan, ipinagkakaila
    • Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga ito at pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format na nilalaman at sa prosesong pagdadaanan
  • Mananaliksik
    Dapat maging mapagmasid o mapag-obserba, curious, at sensitibo sa mga isyung panlipunang maaaring mahagip ng pagsasaliksik na ginagawa, maingat sa mga terminong ginagamit sa pananaliksik, at sinisigurong tama ang paggamit sa mga ito.
  • Mananaliksik
    • Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan
    • Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin
    • Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan
    • Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito
    • Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa
    • Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan, sa pagkuha ng mga datos nang walang tinatago, iniiwasan, ipinagkakaila
    • Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga ito at pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format na nilalaman at sa prosesong pagdadaanan
  • Mananaliksik
    • Mapagmasid o mapag-obserba
    • Curious
    • Sensitibo sa mga isyung panlipunang maaaring mahagip ng pagsasaliksik na ginagawa
    • Maingat sa mga terminong ginagamit sa pananaliksik, at sinisigurong tama ang paggamit sa mga ito
  • Sulating pananaliksik
    Naiiba sa isang ulat o sa iba pang uri ng teksto dahil hindi lang ang aklatan at ang internet ang maaaring mapagkunan ng mga impormasyon
  • Uri ng Pananaliksik
    • Basic Research
    • Action Research
    • Applied Research
  • Basic Research
    Agarang nagagamit para sa layunin nito, at makatutulong ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan
  • Action Research
    Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan, at ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng mga bagay na siyang paksa ng mananaliksik
  • Applied Research
    Ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon
  • Mga tip o paalala sa Pagpili ng Paksa
    • Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
    • Paksang marami kang nalalaman
    • Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman
    • Paksang napapanahon
    • Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng magiging paksa ng mga kaibigan mo
    • May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
    • Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
  • Mga hakbang sa Pagpili ng Paksa
    • Alamin kung ano ang inaasahang layunin o susulatin
    • Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
    • Pagsusuri sa mga itinalang ideya
    • Pagbuo ng tentatibong paksa
    • Paglilimita ng Paksa
  • Malawak ng paksa: Labis at madalas na pagpupuyat ng mga mag-aaral
  • Nilimitahang paksa: Mga dahilan sa labis at madalas na pagpupuyat ng mga mag-aaral at ang epekto nito sa kanilang gawaing pang-akademiko
  • Lalo Pang Nilimitahang Paksa: Mga dahilan sa labis at madalas na pagpupuyat ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng DNHS seksiyon Thailand at ang epekto nito sa kanilang gawaing pang-akademiko
  • Malawak ng paksa: Persipsiyon sa mga taong may tatoo sa katawan
  • Nilimitahang paksa: Persipsiyon ng kabataan sa mga taong may tatoo sa katawan
  • Lalo Pang Nilimitahang Paksa: Persipsiyon ng kabataan sa mga taong may tatoo sa katawan