China

Cards (25)

  • Sphere of Influence ay tumutukoy sa pagkontrol ng isang estado sa aspetong politikal at ekonomiya sa bansang inangkin.
  • Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa kanyang bansa nang matalo ito ng Great Britain sa Unang Digmaang Opyo (1839-1842) at muling natalo laban sa Great Britain at France naman noong Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860).
  • Nagsimula ang unang digmaan noong 1839 sa pagitan ng China at England dahil sa pagsira at pagsunog ng mga opisyal ng adwana sa opyo na pagmamay-ari ng mga British.
  • Naganap ang ikalawang digmaang opyo noong 1856 sa pagitan ng China at natalo sa pagitan ng England at France.
  • Upang maipakita ang kanilang pagtutol sa pananakop ng mga Kanluranin, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong Taiping (1850) at Rebelyong Boxer (1900)
  • Namuno si Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuguan) sa Rebelyong Taiping laban sa Dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga dayuhang Manchu.
  • Tinawag itong Rebelyong Boxer dahil ang mga miyembro ng samahang I-ho Chu’an o Righteous and Harmonious Fists ay naghimagsik na may kasanayan sa gymnastic exercise.
  • Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899.
  • Nabawi ng mga imperyalista mula sa mga boxer ang Peking noong Agosto 14, 1900.
  • namatay si Empress Dowager noong 1908, lalong lumala ang kahirapan sa China
  • Si Puyi o Henry Puyi ang huling emperador ng dinastiyang Qing (Manchu) at ng China.
  • san mit chu-i o nasyonalismo, min-tsuchu-I o demokrasya, at min-sheng-chu-i o kabuhayang pantao.
  • Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa China nang pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double
    Ten Revolution na naganap noong Oktubre 10, 1911.
  • Pansamantalang itinalaga si Sun bilang Pangulo noong Oktubre 29, 1911.
  • Tinagurian siyang “Ama ng Republikang Tsino” - Sun Yat Sen
  • Hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan, at kaunlarang pang-ekonomiya.
  • Nagsimula noong 1918 ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China. Sa pamum uno ni Mao Zedong sa China, naging tanyag ang komunismo.
  • Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partidong Kuomintang nang mamatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925.
  • Ipinagpatuloy ni Chiang Kai Shek ang pakikipaglaban sa mga warlords sa ilalim ng Koumintang.
  • Mao Zedong - Itinatag ang Partidong Kunchantang - Pinamunuan niya ang Red Army
  • Long March - tawag sa pagtakas nila Mao Zedong patungong Jiangxi na umabot ng 1 taon na may layong 6, 000 milya
  • 1931 - Ikalawang Digmaang Sino-Hapones - Binomba ng mga Hapones ang China - Nasakop ng Japan ang malaking teritoryo ng China
  • 1936 - Nagkaisa ang mga komunista at nasyonalista upang harapin ang pananakop ng mga Hapones
  • 1942 - Nahinto na ang pananakop ng mga Hapones sa China.
  • 1949 - Tumakas ang mga nasyonalista na pinamumunuan ni Chiang Kai- Shek sa Taiwan at itinayo ang Republic of China. - Dahil sa pagtatag ng People's Republic of China, napaalis ng mga komunista ang mga Kanluranin at muling nakamit ng China ang kalayaan.