AP 10

Cards (65)

  • Manggagawang Pilipino
    Ang gulugod o back bone ng bansang Pilipinas
  • Pagkamamamayan
    Ang estado ng pagiging mamamayan ng isang partikular na bansa
  • Mga uri ng mamamayan ayon sa Saligang Batas
    • Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito
    • Yaong ang mga ama at ina ay mga mamamayan ng Pilipinas
    • Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 12, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
    • Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
  • Karampatang gulang

    Nagsisimula sa edad na dalawampu't Isa (21)
  • Natural born citizen
    Yaong mga mamamayang Pilipino mula nang isilang ay hindi kinakilangan gumawa ng hakbang upang matamo o maisaayos ang pagkamamamayan
  • Ang pagkamamayan ay maaaring mawala at muling mabawi
  • Ang isang mamamayang Pilipinong nag-asawa ng dayuhan ay mananatiling mamamayang Pilipino maliban kung pinili niyang itakwil ito
  • Maaari ding magkaroon ng dalawahang pagkamamamayan kapag ipinanganak ang sanggol sa ibang bansa
  • Kapag nawala ang pagkamamamayan dahil sa naturalisasyon sa ibang bansa, maaari itong mabawi kung manunumpa sa harap ng isang awtorisadong opisyal ng pamahalaan gamit ang Philippine Oath of Allegiance
  • Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas
  • Benepisyo ng pagiging mamamayang Pilipino
    • Karapatang bumoto sa eleksiyon
    • Karapatang mag-ari ng lupa at iba pang ari-arian sa bansa
    • Karapatang magnegosyo o gumamit ng propesyon bilang Pilipino
  • Mga Katangian at Ugali
    • Pagiging malapit at pagpapahalaga sa pamilya
    • Pakikisama
    • Utang na Loob
  • Pagpapasalamat
    Nakikita ito sa mga piyesta ng patron bilang pasasalamat sa mabuting hanapbuhay, kalusugan, at pamilya
  • Marunong makibagay at makiangkop
    • Ang kakayahan ng Pilipinong makibagay at makiangkop sa sitwasyon ay kilala sa buong mundo
    • Ang kakayahang makiangkop ay bunga ng kakayahang harapin ang anumang sitwasyon at pangyayari
  • Maaruga at Magiliw
    • Ang pag-aalaga at pagkamagiliw ng Pilipino ay pagpapakita ng pagkamakatao sa pakikihalubilo sa kapwa maging Pilipino man o dayuhan
  • Matiyaga at Malikhain
    • Dahil maraming limitasyon sa mga oportunidad na pangkabuhayan sa gitna ng mayamang kalikasan, natutong maging matiyaga at malikhain ang Pilipino
  • Mga Uri ng Pagkamamamayan
    • Pagkamamamayang nakikilahok
    • Pagkamamamayang may personal na pananagutan
    • Pagkamamamayang makatarungan
  • Civic Engagement
    May estrukturang pakikilahok ng malalaking pangkat upang mapabuti ang pamamahala
  • Civil Participation

    Ang pakikisali sa mga gawaing adbokasiyang inilulunsad ng paaralan, komunidad, mga asosasyon, grupong panrelihiyon, parokya, at iba pang grupo
  • Kapangyarihan
    • Ang kakayahang ipagawa sa iba ang nais mong gawin nila
    • Maaari itong ilagay sa kamay ng mga sektor na hindi makapangyarihan at sa minorya
    • Ang pagtanggap sa kanila bilang bahagi ng nakararami sa lipunan ay nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan
  • Civic Engagement
    May estrukturang pakikilahok ng malalaking pangkat upang mapabuti ang pamamahala. Maaaring maisagawa ito sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga protesta, pagsuporta sa isang panukalang-batas(lobby), demonstrasyon, aktibong serbisyo, at iba pa.
  • Mga Sangkap ng Aktibong Pagkamamamayan Ayon kay Eric Liu
    • Kapangyarihan
    • Imahinasyon
    • Pagkataong Sibiko
  • Kapangyarihan
    Ang kakayahang ipagawa sa iba ang nais mong gawin nila. Tunog negatibo ito ngunit ayon kay Eric Liu, ang kapangyarihan ay magagawang demokratiko. Maaari itong ilagay sa kamay ng mga sektor na hindi makapangyarihan at sa minorya. Ang pagtanggap sa kanila bilang bahagi ng nakararami sa lipunan ay nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan. Magkaroon sila ng boses at ito ang magbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
  • Imahinasyon
    Ang kakayahang bumuo ng mga bagong ideya, imahen, at konsepto ng mga bagay, na hindi pa nakikita o naririnig. Ito ang kakayahang mag-isip kung ano ang posible at hindi na iisip
  • Pagkataong Sibiko
    Pinakamahalagang sangkap ng aktibong pagkamamamayan. Magkasama rito ang kapangyarihan at imahinasyon. Kabilang dito ang mga pagpapahalaga, kaugalian, at gawi ng isang taong miyembro ng mas malaking lipunan at nakikibahagi sa pagbuo nito. Ito ang mahalagang sangkap na dapat malinang hindi lamang sa malalaking bagay kundi gayundin sa maliliit na paraan gaya ng pagpuno sa mga siwang na makikita sa kapaligiran.
  • Mga Kakayahan at Kasanayan ng Aktibong Pagkamamamayan
    • Pagkalap at paggamit ng impormasyon
    • Pagtaya sa pakikilahok
    • Paggawa ng desisyon
    • Paggawa ng hatol
    • Pakikipagtalastasan
    • Pakikipagtulungan
    • Pagtaguyod sa mga interes
  • Mga Daan ng Aktibong Pagkamamamayan
    • Paaralan
    • Pamayanan o Komunidad
    • Mga organisasyon
  • Ang pakikisali sa mga gawaing adbokasiyang inilulunsad ng paaralan, komunidad, mga asosasyon, grupong panrelihiyon, parokya, at iba pang grupo
  • Sibika at Pagkamamamayan
    Ang pag-unawa sa papel na ginagampanan bilang bahagi ng lipunan
  • Ang aralin ukol sa sibika at pagkamamamayan ay daan upang matamo ang mga kaalaman at kasanayang makatutulong sa bawat miyembro ng lipunan na makilahok sa pagbuo ng isang dakilang bansa
  • Manggagawang Pilipino
    Ang gulugod o back bone ng bansang Pilipinas
  • Pagkamamamayan
    Ang estado ng pagiging mamamayan ng isang partikular na bansa
  • Mga uri ng mamamayan ayon sa Saligang Batas
    • Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito
    • Yaong ang mga ama at ina ay mga mamamayan ng Pilipinas
    • Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 12, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
    • Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
  • Karampatang gulang

    Nagsisimula sa edad na dalawampu't Isa (21)
  • Ang mamamayang Pilipino ay yaong mga anak ng mga mamamayang Pilipino
  • Ang natural born citizen ay yaong mga mamamayang Pilipino mula nang isilang ay hindi kinakilangan gumawa ng hakbang upang matamo o maisaayos ang pagkamamamayan
  • Ang pagkamamayan ay maaaring mawala at muling mabawi
  • Ang isang mamamayang Pilipinong nag-asawa ng dayuhan ay mananatiling mamamayang Pilipino maliban kung pinili niyang itakwil ito
  • Maaari ding magkaroon ng dalawahang pagkamamamayan kapag ipinanganak ang sanggol sa ibang bansa
  • Kapag nawala ang pagkamamamayan dahil sa naturalisasyon sa ibang bansa, maaari itong mabawi kung manunumpa sa harap ng isang awtorisadong opisyal ng pamahalaan gamit ang Philippine Oath of Allegiance