MODULE 13

Cards (54)

  • Module 13 Title - MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG TRACK O KURSONG AKADEMIKO, TEKNIKAL-BOKASYONAL, SINING AT DISENYO, AT ISPORTS
  • TALINO/TALENTO - Isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang track o kursong akademik, teknikal- bokasyonal , negosyo o hanapbuhay.
  • Ang mga talino o talentong ay mula sa teorya na binuo ni Howard Gardner (1983)
  • Visual-Spatial
    Ang mga taong may talento sa kategoryang ito ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at mag- ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din nyang makita ang mga paglalarawan upang maunawaan ito.
  • Verbal-Linguistic
    Ang mga taong may talento sa kategoryang ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkwento at pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa at madali para sa kanya ang matuto ng ibang wika.
  • Mathematical-Logical
    Ang mga taong may talento nito ay magaling mag- analisa at mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin o problem solving.
  • Bodily-Kinesthetic
    Ito ay ang mga taong may kagalingan sa pagsayaw o kahit na anong may kinalaman sa paggalaw.
  • Musical-Rhythmic
    Ito ay ang mga taong may talentong kinalaman sa paggawa ng magandang musika.
  • Intrapersonal
    Sila ay mga taong may malalim na pagkilala sa kanilang sarili.
  • Interpersonal
    Sila ang mga taong mahusay sa pakikipag-interaksyon sa ibang tao.
  • Naturalistic
    Sila ay ang mga taong mapagpahalaga sa kalikasan at iba pang nilalang ng Diyos.
  • Existentialist
    Sila ay ang mga taong naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.
  • Ibigay ang siyam na talento:
    • Visual Spatial
    • Verbal/Linguistic
    • Mathematical/Logical
    • Bodily/Kinestetic
    • Musical/Rhythmic
    • Intrapersonal
    • Interpersonal
    • Naturalist
    • Existentialist
  • KASANAYAN - Tinutukoy ang mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling.
  • Madalas maiuugnay ang Kasanayan sa salitang abilidad, kakayahan (competency), o kahusayan (proficiency).
  • KASANAYAN - maituturing na mahalagang salik sa paghahanda sa iyong pipiliing track o kurso. Mainam na ngayon pa lamang ay matiyak mo nang maaga ang mga ito dahil makatutulong ito nang m alaki sa iyong pagpiling track o kurso na nais kunin.
  • Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills)- nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod, at naghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip para sa iba.
  • Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)- humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at inooorganisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatas sa kaniya.
  • Kasanyan sa mga Bagay-bagay (Things Skills)- nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos ng mga pisikal, kemikal at biyolohikong mga functions.
  • Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
  • Ibigay ang lahat ng kategorya ng kasanayan:
    • Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills)
    • Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)
    • Kasanyan sa mga Bagay-bagay (Things Skills)
    • Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)
  • HILIG - Nasasalamin sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakararamdam ng pagod o pagkabagot.
  • HILIG - Salungat dito ang mga gawain o bagay na ayaw mong gawin.
  • Ang anim na Jobs/Careers/Work Environments ay ayon kay John Holland.
     
  • Realistic – nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanyang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa tao. Matapang at praktikal at mahilig sa mga gawaing outdoor.
  • Investigative – nakatuon sa mga gawaing pang-agham, mayaman sa ideya at malikhain sa mga kakayahang pang-agham tulad ng pananaliksik. Mapanuri, malalim, matalino at task-oriented
  • Artistic – Malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan. Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa wika, sining, musika, pag-arte, pagsulat.
  • Social – kakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular at responsible. Gusto nila ang interaksiyon at pinaliligiran ng mga tao
  • Enterprising – mapanghikayat, mahusay mangumbinsi, madalas na masigla, nangunguna at may pagkusa at madaling mawalan ng pagtitimpi at pasensiya
  • Conventional – mataas ang interes sa paghahanap ng panuntunan at direksiyon, kumikilos sila ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila. Matiyaga, mapanagutan, at mahinahon.
  • Realistic - Halimbawa ng mga trabaho dito ay Mechanical Engineer, Industrial Arts Teacher, Carpenter, Electrian, Tailor, atbp.
  • Investigative - Halimbawa ng mga trabaho dito ay Economist, Physician, Math Teacher, Research Analyst, Scientist, atbp.
  • Artistic - Halimbawa ng mga trabaho dito ay Drama coach, Language Teacher, Fashion Model, Interior decorator, Architect, atbp.
  • Social - Halimbawa ng mga trabaho dito ay Teaching, Social Welfare, Counseling, Administrator, Politician,atbp.
  • Enterprising - Halimbawa ng mga trabaho dito ay Sales and Marketing field, Banker, Lawyer, TV-Radio Announcer, Branch Manager, atbp.
  • Conventional - Halimbawa ng mga trabaho dito ay Clerical, Administrative, Accountant, Medical secretary, Proofreader, atbp.
  • PAGPAPAHALAGA - Ito ay tumutukoy sa mga bagay na ating binibigyang halaga.
  • PAGPAPAHALAGA - Ang mga ipinamamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa kapwa at sa bayan.
  • PAGPAPAHALAGA - Ang paagsusuri ng ating mga pinahahalagahan ay makaktulong sa pagpili ng ating pangarap o mithiin sa buhay.
  • MITHIIN - Ito ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay.