Matapat siyang kaibigan ni Don Rafael Ibarra; siya rin ang tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo ng totoong sinapit ng kaniyang ama
Padre Sibyla
Siya ang kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego
Sisa
Mapagmahal siyang ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit
Basilio
Siya ang panganay na anak ni Sisa
Donya Victorina
Isang babaeng punông-punô ng kolorete sa mukha dahil sa pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol; mahilig magsalita ng Espanyol bagaman ito ay laging mali
Maria Clara
Kasintahan siya ni Crisostomo Ibarra. Lumaki siya sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, masunurin, at mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban
Tiya Isabel
Hipag siya ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara
Pilosopo Tasyo
Siya ay iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Noong kaniyang kabataan, pinagbawalan siyang mag-aral sa takot na bakâ makalimot sa Diyos dahil sa taglay na talino
Crisostomo Ibarra
Nag-aral siya sa Europa at nangarap makapagpatayô ng paaralan; kababata rin siya ni Maria Clara
Elias
Siya ang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo upang makilala ang kaniyang bayan
Padre Damaso
Siya ang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Tsino
Kapitan Tiyago
Siya ang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at itinuring na ama ni Maria Clara
Crispin
Siya ang kapatid ni Basilio na kasama niya sa pagkakalembang ng kampana sa simbahan ng San Diego
Don Rafael Ibarra
Siya ang ama ni Crisostomo Ibarra. Nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahil sa yaman kung kayâ pinaratangang erehe ng pamahalaan
Alferez
Siya ang puno ng mga guardia civil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego