Filipino

Cards (19)

  • Ang sumulat sa ibong adarna ay si Jose dela cruz
  • isinilang si jose de la cruz noong disyembre 20, 1746 sa tondo, maynila
  • Ang Ibong Adarna, ay isang akdang KORIDO.
    • HARING FERNANDO
    • Ang butihing hari ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
    • REYNA VALERIANA
    • Ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro at Don Diego.
  • DON PEDRO Ang panganay na anak nina Don Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.
    • DON DIEGO
    • Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman
    • DON DIEGO
    • Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman
    • DON JUAN
    • Ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang at may mabuting kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at nakapagligtas sa kanyang dalawang kapatid
    • MATANDANG SUGATAN O LEPROSO
    • Ang mahiwagang matandang leproso o ketongin na humingi ng tulong at ng huling tinapay ni Don Juan habang patungo siya sa Bundok Tabor.
    • Siya ang nagsabi ng mga bagay na dapat gawin ni Don Juan sa pagdating niya sa Bundok Tabor
    • HIGANTE
    • Mabagsik, malakas at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana.
    • Nakatakas lamang si Donya Juana mula sa pagiging bihag niya nang matalo at mapatay siya ni Don Juan.
    • ERMITANYO
    • Ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa Bundok Tabor. Siya ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang mailap na Ibong Adarna
    • MATANDANG LALAKING UUGOD-UGOD
    • Ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego
  • DONYA JUANA Unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang higante ang nagbabantay sa prinsesa na kinailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga.
    • DONYA LEONORA
    • Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang serpiyente.
    • Nang makilala siya ni Don Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng dalaga.
  • LOBO Ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya’y mahulog sa balon dahil sa pataksil na pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali sa kanyang baywang.
  • DONYA MARIA BLANCA Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay n akapangyarihan ang dalagang ito. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya itong malagpasan ang maraming pagsubok na inihain ng ama niyang Haring Salermo. Sa huli ay sila rin ni Don Juan ang nagkatuluyan.
  • SERPIYENTE Isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Nakipaglaban dito si Don Juan at nang matalo niya ang serpiyente at nakalaya na si Donya Leonora.
    • HARING SALERMO
    • Ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming pagsubok na kinakailangang malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga