AP

Cards (69)

  • Pag-iimpok
    Kitang lumalabas sa ekonomiya
  • Pamumuhunan
    Magbabalik nito sa paikot na daloy
  • Ang pag-iimpok ay isang mahalagang indikasyon ng malusog na ekonomiya
  • Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas
  • Ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa
  • Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang ipinakikita sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo
  • Ang salapi sa loob at labas ng ekonomiya ay marapat na mapangasiwaan nang maayos upang masiguro na magiging matatag at malusog ang takbo ng patakarang pananalapi ng bansa
  • Kinakailangan ang pagkakaroon ng mga institusyon na makapag-iingat at makapagpapatakbo ng mga wastong proseso sa loob ng ekonomiya patungkol sa paghawak ng salapi
  • Ito ay paraan upang maging maayos ang daloy ng pananalapi ng bansa
  • Mga institusyon ng pananalapi
    May gampanin upang mapanatili ang magandang kalagayang pang-ekonomiya
  • Ang mga institusyon ng pananalapi ang inaasahan ng pamahalaan na mamamahala sa paglikha, pag-supply, at pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya
  • Mga institusyon ng pananalapi
    • Bangko
    • Di-bangko
  • Bangko
    Isang uri ng institusyon na tumatanggap at lumilikom ng mga salapi na iniiimpok ng mga tao at negosyante
  • Bangko
    Nagsisilbing tagapamagitan sa mga nag-iimpok at namuhunan at mga prodyuser
  • Bangko
    Nagiging kapaki-pakinabang ang salaping inimpok dahil sa pamumuhunan
  • Komersiyal na Bangko
    Pinakamalaki at pinakamalawak na uri ng bangko sa bansa, nakikipag-ugnayan sa mga nag-iimpok, mga prodyuser, at kapitalista, nagpapautang ng puhunan sa mga prodyuser, nagkakaloob ng auto loan, housing loan, car insurance, at iba pang serbisyo, tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito
  • Bangko ng Pagtitipid
    Mga di kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga malilit na negosyante, ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay ipinauutang nila, kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng mga ito sa kanilang mga negosyo
  • Rural na Bangko
    Itinatag noong 1952, pinakamaliit na uri ng bangko na naglalayong tulungan at suportahan ang mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante sa lalawigan o kanayunan upang magkaroon ng puhunan sa pamamagitan ng pagpapautang
  • Trust Companies
    Inaasikaso ng bangkong ito ang mga pondo at ari-arian ng simbahan at charitable institutions, nangangalaga sa mga ari-arian at kayamanan ng mga tao na walang kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian lalo na ang mga menor de edad
  • Espesyal na Bangko
    Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan
  • Mga Espesyal na Bangko
    • Land Bank of the Philippines (LBP)
    • Development Bank of the Philippines (DBP)
  • Land Bank of the Philippines (LBP)
    Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 3844 na sinusugan ng Republic Act No. 7907, naglalayon na itaguyod ang pagpapaunlad ng reporma sa lupa, tinutulungan din ang mga prodyuser at entreprenyur na magkaroon ng sapat na puhunan sa pamamagitan ng pagpapautang ng mga deposito ng mga tao at kompanya, naging pangunahing bangko ito ng pamahalaan matapos maisapribado ang Philippine National Bank, ito rin ang nag-iingat ng salapi ng pamahalaan
  • Development Bank of the Philippines (DBP)
    Unang natatag noong 1946 upang matugunan ang pangangailangan ng bansa na makatayo mula sa mapanirang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pangunahing layunin ay ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya
  • Bangko
    Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan
  • Land Bank of the Philippines (LBP)

    • Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 3844 na sinusugan ng Republic Act No. 7907, na naglalayon na itaguyod ang pagpapaunlad ng reporma sa lupa
    • Tinutulungan din nito ang mga prodyuser at entreprenyur na magkaroon ng sapat na puhunan sa pamamagitan ng pagpapautang ng mga deposito ng mga tao at kompanya
    • Naging pangunahing bangko ito ng pamahalaan matapos maisapribado ang Philippine National Bank
    • Ito rin ang nag-iingat ng salapi ng pamahalaan
  • Development Bank of the Philippines (DBP)
    • Unang natatag noong 1946 upang matugunan ang pangangailangan ng bansa na makatayo mula sa mapanirang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • Ang pangunahing layunin ay ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya
    • Malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ang nakadeposito sa bangkong ito
  • Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-Amanah)

    • Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848, layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan
  • Kooperatiba
    • Isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin
    • Para maging ganap na lehitimo, kailangan itong irehistro sa Cooperative Development Authority (CDA)
    • Ang mga kasapi nito ay nag-aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo, pananagutan, at iba pang benepisyong mula sa kita nito
  • Pawnshop o Bahay Sanglaan
    • Isang negosyo na mahalaga sa ekonomiya sapagkat nagiging takbuhan ito ng mga tao na nangangailangan ng cash na salapi
    • Tumatanggap ito ng mga bagay na maaaring isangla o gawing kolateral ng mga tao upang makautang, lalo na iyong di-makautang sa bangko
  • Pre-Need Companies
    • Mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng pre-need plans
    • Ang Pre-Need Plans ay mga kontrata ng pagkakaloob ng mga karampatang serbisyo sa takdang panahon o ang pagbibigay ng naaayong halaga ng pera sa takdang panahon ng pangangailangan
  • Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)

    Mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng Karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas
  • Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

    • Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, ang BSP ay itinalaga bilang central monetary authority ng bansa
    • Ito ang pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi
  • Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)

    • Nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ang PDIC ang sangay ng pamahalaan na naatasang magbigay-proteksiyon sa mga depositor at tumutulong na mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa
  • Securities and Exchange Commission (SEC)

    • Nasa ilalim ng DOF, ang SEC ang nagtitala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa
    • Nag-aatas din ito sa mga kompanya na magsumite ng kanilang taunang ulat
    • Nagbibigay din ang SEC ng mga impormasyon upang maging gabay sa matalinong desisyon sa pamumuhunan
  • Sektor ng Industriya
    Bahagi ng ekonomiya na bumubuo ng mga produktong ginagamit ng tao mula sa mga raw materials. Naglalaman ng mga industriya tulad ng manufacturing, konstruksyon, at iba pa
  • Layunin ng Sektor ng Industriya
    Pagproseso ng mga hilaw na materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao
  • PAGMIMINA
    • Sekondaryang sektor kung saan ang mga metal, di-metal at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto o kabahagi ng isang yaring kalakal
  • PAGMAMANUPAKTURA
    • Paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng makina
  • KONSTRUKSIYON
    • Pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land improvements tulad ng tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan
  • UTILITIES
    • Mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, koryente at gas