Prinsipiyo ng Yogakarta

Cards (48)

  • Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian, ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
    Prinsipiyo 1 .Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao
  • Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
    • Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao
    • Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon
    • Ang karapatan sa pagkilala sa batas
    • Ang karapatan sa buhay
    • Ang karapatan sa seguridad ng pagkatao
    • Ang karapatan sa pribadong buhay
    • Ang karapatan na hindi arbitraryong mapiit
    • Ang karapatan sa patas na paglilitis
    • Ang karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit
    • Ang karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa
    • Ang karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala, pagbebenta, at trafficking ng tao
    • Ang karapatan sa trabaho
    • Ang karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan
    • Ang karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay
    • Ang karapatan sa sapat na pabahay
    • Ang karapatan sa edukasyon
    • Ang karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
    • Proteksyon laban sa mga abusong medikal
  • Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao
    Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian, ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
  • Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon

    Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasyon at titiyakin, para sa lahat, ang pantay at mabisang proteksyon sa anumang diskriminasyon.
  • Ang karapatan sa pagkilala sa batas
    Sa batas, ang lahat ay may karapatang kilalanin bilang tao saan man. Ang mga taong may iba-ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay dapat na nagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng buhay.
  • Ang karapatan sa buhay
    Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
  • Ang karapatan sa seguridad ng pagkatao
    Ang lahat ay may karapatan sa seguridad ng pagkatao at sa proteksyon ng estado laban sa karahasan o pisikal na pananakit, gawa man ng mga opisyal-gobyerno o sinumang tao o grupo.
  • Ang karapatan sa pribadong buhay
    Ang lahat ay may karapatan sa pribadong pamumuhay nang walang arbitraryo o labag sa batas na pakikialam ng iba. Kabilang sa karapatang ito ang nauukol sa pagpapamilya, tahanan, o pakikipagkomunikasyon sa iba, at sa proteksyon sa paninira ng dangal at reputasyon.
  • Ang karapatan na hindi arbitraryong mapiit

    Walang sinuman ang aarestuhin o ikukulong nang arbitraryo o basta-basta na lamang. Ang pag-aresto at pagkukulong dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, kahit na iniutos ng korte, ay arbitraryo.
  • Ang karapatan sa patas na paglilitis
    Ang lahat ay may karapatan sa isang patas at pampublikong paglilitis ng isang mapapagkatiwalaan, independyente, at walang kinikilingang hukumang itinatag ayon sa batas; at kung nahahabla at naakusahan ng krimen, sa paglilinaw ng kanilang mga karapatan at obligasyon nang walang maling pag-iisip o diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
  • Ang karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit

    Ang lahat ng pinagkaitan ng kalayaan ay tatratuhin nang makatao at may paggalang sa angking dignidad ng isang tao. Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay hindi maihihiwalay sa dignidad ng bawat tao.
  • Ang karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa
    Ang lahat ay may karapatang hindi ma-torture at hindi ipailalim sa malupit, makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa sa anumang dahilan.
  • Ang karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala, pagbebenta, at trafficking ng tao

    Ang lahat ay may karapatang maging ligtas sa trafficking, pagbebenta, at iba pang anyo ng pagsasamantala, gaya, halimbawa, ng pagsasamantalang seksuwal nang dahil sa aktwal o inaakalang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
  • Ang karapatan sa trabaho
    Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
  • Ang karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan

    Ang lahat ay may karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan nang walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
  • Ang karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay
    Ang lahat ay may karapatan sa isang sapat na pamantayan ng pamumuhay, kabilang ang sapat na pagkain, ligtas na inuming tubig, angkop na sanitasyon at pananamit, at sa patuloy na pagpapaunlad ng kalagayan sa buhay.
  • Ang karapatan sa sapat na pabahay
    Ang lahat ay may karapatan sa sapat na pabahay, kabilang ang proteksyon sa pagpapalayas nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
  • Ang karapatan sa edukasyon
    Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon, nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
  • Ang karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
    Ang lahat ay may karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang pisikal at mental nang walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
  • Proteksyon laban sa mga abusong medikal

    Walang sinuman ang mapipilit na sumailalim sa anumang medikal o sikolohikal na panggagamot, pros
  • Karapatan
    • Karapatan sa edukasyon
    • Karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
    • Proteksyon laban sa mga abusong medikal
    • Karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag
    • Karapatan sa malayang asembleya at pagsapi sa mga samahan
    • Karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya, at relihiyon
    • Karapatan sa malayang pagkilos
    • Karapatang humanap ng asilo
    • Karapatang magbuo ng pamilya
    • Karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
    • Karapatang lumahok sa buhay-pangkultura
    • Karapatang magtaguyod ng mga karapatang pantao
    • Karapatan sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian
    • Pananagutan
  • Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon, nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
  • Ang mga Estado ay dapat tumiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng personalidad, talino ng bawat estudyante, at ng kanilang abilidad na mental at pisikal sa kasukdulan ng kanilang potensyal; at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
  • Ang lahat ay may karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang pisikal at mental nang walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
  • Batayang aspekto ng karapatang ito ang kalusugang seksuwal at reproduktibo
  • Walang sinuman ang mapipilit na sumailalim sa anumang medikal o sikolohikal na panggagamot, proseso, at pagsusuri, o kaya'y bimbinin sa isang pasilidad na medikal nang dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
  • Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao ay hindi maituturing na sakit sa paano man tingnan; at kung gayon ay hindi nararapat na gamutin, pagalingin, o pigilin
  • Ang lahat ay may karapatan sa malayang opinyon at pamamahayag, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
  • Kabilang dito ang paghahayag ng anyo o pagkatao sa pamamagitan ng pananalita, pagdadala ng sarili, pananamit, katangian ng katawan, pagpili ng pangalan, o iba pa; gayundin ang kalayaang maghanap, tumanggap at mamahagi ng impormasyon at iba't ibang ideya, kabilang ang nauukol sa mga karapatang pantao, oryentasyong seksuwal, at pagkakakilanlang pangkasarian, sa anumang paraan, at saan man
  • Ang lahat ay may karapatan sa malayang pagtitipon at pagsapi sa mga samahan, kabilang ang nauukol sa mapayapang demonstrasyon
  • Ang lahat ay may karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya, at relihiyon
  • Hindi maaaring gamitin ng Estado ang mga karapatang ito upang pangibabawin ang mga batas, patakaran, o gawi na pumapawi sa pantay na proteksyon ng batas, o kaya'y nagdudulot ng diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
  • Ang lahat ng naninirahan nang legal sa loob ng isang Estado ay may karapatang pumunta kung saan nila gusto, at manirahan saan man sa nasasakupan ng nasabing Estado
  • Hindi maaaring ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay gamitin upang limitahan o pigilin ang paglalakbay nila saan man, kabilang ang sa sarili nilang Estado
  • Ang lahat ay may karapatang humanap at magtamasa ng asilo o santwaryo sa ibang bansa upang makaligtas sa pang-uusig
  • Hindi maaaring alisin, palayasin, o ipatapon ng isang Estado ang isang tao sa kung saan siya ay maaaring pahirapan, usigin, o dumanas ng pagmamalupit, makahayop o mapanghiyang trato, o pagpaparusa bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian niya
  • Ang lahat ay may karapatang magbuo ng pamilya, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
  • Walang pamilya ang dapat na dumanas ng diskriminasyon dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian ng sinuman sa mga myembro nito
  • Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
  • Ang lahat, anuman ang kasarian ay may karapatang lumahok nang malaya sa buhay-pangkultura at upang ipahayag, sa pamamagitan ng pagsali sa mga usaping pangkultura, ang pagkakaiba-iba ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian