Bumuo ng paksa o pamagat gamit ang mga larawang ipapakita ng guro
Pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng pananaliksik
Pagpili ng paksa
Mga palasak o laging nang ginagamit ang pinipiling paksa dahil ito ay nakikita sa kapaligiran
Mga iba't ibang mapagkukuhanan ng paksa
Internet at Social Media
Telebisyon
Diyaryo at Magasin
Mga Pangyayari sa Iyong Paligid
Sa Sarili
Sulating Pananaliksik
Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Taglay nito angOBHETIBONG interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap
Sulating Pananaliksik
Isang masusing pagsisiyasat atpagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan
Sulating Pananaliksik
Isinasagawa upang makahanap ng isang teorya o pag-aaral, malalaman o mababatid ang katotohana sa teoryang ito, at makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin
Pananaliksik
Sistematikong proseso ng pangangalap,pag-Analisaat pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong upang makadagdag sa umiiral na kaalaman
Katangian ng Pananaliksik
Obhetibo
Sistematiko
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
Empirikal
Kritikal
Masinop, malinis at tumutugon sa Pamantayan
Dokumentado
Dapat taglayin ng isang mananaliksik
Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan
Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin
Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan
Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito
Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon at rekomendasyon sa paksa
Matapat sa pagsasabing may gawa nang pag-aaral ukol sa pinag-aralan; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso kaninuman; at pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik
Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkuhanan ng mga ito at pagtiyak ng maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan
Ang isang mananaliksik ay dapat maging mapagmasid o mapag-obserba, curious, at sensitibo sa mga isyung panlipunang maaaring mahagip ng pagsasaliksik na ginagawa
Mga Uri ng Pananaliksik
Basic research
Action research
Applied research
Basic research
Agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan
Halimbawa ng Basic research
Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabatan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid
Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandalis sa Metro Manila
Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan sa isang barangay
Action research
Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik
Halimbawa ng Action research
Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga Gawain
Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga Gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance
Pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong paaralan
Applied research
Ginagamit o inilalapat sa majority na populasyon
Halimbawa ng Applied research
Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan
Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baitang sa isang paaralan
Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad
Paksa
Pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik. Mahabang panahon ang ginugugol sa pangangalap ng datos kaya naman, makabubuting napag-isipang mabuti ang paksang tatalakaying bago pa magkaroon ng pinal na desisyon
Gabay sa Pagpili ng Pinakaangkop na Paksa
Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
Mahaba at mabusisi ang proseso ng pagbuo ng sulating pananaliksik. Kailangan ng maraming oras. Mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin
Paksang marami ka nang nalalaman
Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman
Paksang napapanahon
ang pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad
Paksa
Pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik
Gabay sa Pagpili ng Pinakaangkop na Paksa
Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
Mahaba at mabusisi ang proseso ng pagbuo ng sulating pananaliksik
Kailangan ng maraming oras
Mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin
Paksang marami ka nang nalalaman
Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman
Paksang napapanahon
Gabay sa Pagpili ng Pinakaangkop na Paksa
Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo
May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
3. Pagsusuri sa mga itinatalang ideya
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
5. Paglilimita sa paksa
Layunin
Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung anoang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa
Uri ng Layunin
Panlahat
Tiyak
Halimbawa ng Layunin
Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon
Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba't ibang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino
Mahikayat ang mga guro na ugaliin/sanayin ang pagdalo sa mga seminar upang umunlad ang mga kakayahan sa pagtuturo
Gamit ng Pananaliksik
Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklasng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao
Halimbawa ng gamit ng Pananaliksik
Sa gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa mga bagay na pang-akademiko
Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa paggamit ng halamang gamot
Metodo
Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa
Halimbawa ng Metodo
Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptib at analitik napananaliksik
Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang interpretasyon ang balidasyon na isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikawalong baitang
Ginamit sa pananaliksik na ito ang deskriptibo at kwasi-eksperimental na uri ng pananaliksik
Etika ng Pananaliksik
Nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik
Mahahalagang Prinsipyo ng Etika ng Pananaliksik
Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
Introduksyon
Isang mahalagang bahagi ng anumang akademikong papel na naglalaman ng mga impormasyon na nagpapakilala sa paksa ng iyong pag-aaral