Panukalang Proyekto

Cards (15)

  • Panukalang Proyekto
    Isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan
  • Ayon kay Dr. Phil Bartle, ang panukalang proyekto ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan
  • Ayon kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin
  • Ang panukalang proyekto ay inihahanda upang mabigyan ang guro ng pagkakataong masukat at masuri ang halaga at pakinabang ng inihahandang proyekto ng isang mag-aaral o grupo ng mag-aaral
  • Ang proyekto ay maaaring isang pananaliksik na may kaugnayan sa agham, humanidades, o agham panlipunan
  • Ang paggawa ng panukalang proyekto ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay
  • Ang pangunahing layunin ng panukalang proyekto ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago
  • Ang panukalang proyekto ay kailangang maging tapat na dokumento na walang lugar ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang
  • Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
    1. Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanya
    2. Magmamasid sa pamayanan o kompanya
    3. Mula sa mga suliraning maitatala ay maitatala mo na rin ang mga posibleng solusyon
    4. Isulat ang panimula ng panukalang proyekto na naglalaman ng suliraning nararanasan at kung paanong makatutulong ang panukalang proyekto
  • Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
    1. Isulat ang layunin na SIMPLE (Specific, Immediate, Measurable, Practical, Logical, Evaluable)
    2. Isulat ang plano ng dapat gawin na may petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat gawain
    3. Isulat ang badyet na simple, malinaw, at tama ang pagkukuwenta
  • Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
    1. Malinaw na sabihin kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila
    2. Maaaring isama ang katapusan o kongklusyon ng panukalang proyekto
  • Balangkas ng Panukalang Proyekto
    • Pamagat ng Panukalang Proyekto
    • Nagpadala
    • Petsa
    • Pagpapahayag ng Suliranin
    • Layunin
    • Plano ng Dapat Gawin
    • Badyet
    • Pakinabang
  • Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater
    1 araw
  • Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay bacao
    3 buwan
  • Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater
    1 araw