KAHULUGAN NG KARAPATAN

Cards (16)

  • Karapatan o Rights
    Mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao
  • Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
  • Preamble at Artikulo 1 ng UDHR
  • Pagkakabuo ng UDHR
    Itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946. Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations si Eleanor Roosevelt.
  • Uri ng mga karapatan
    • Natural rights o likas na karapatan
    • Legal rights o constitutional rights
    • Statutory rights
  • Natural rights o likas na karapatan
    Bahagi ng pagiging likas ng sangkatauhan. Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado. Ilan sa mga pangunahing halimbawa ay ang karapatang mabuhay, karapatang maging malaya, at karapatang magkaroon ng ari-arian.
  • Legal rights o constitutional rights
    Mga karapatang kinikilala at pinaiiral ng estado o ang mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado. Ang mga hukuman at institusyon ng estado ang nagpapatupad ng batas at mga kaparusahang nauukol dito. Maaaring paibalin ang mga karapatang ito laban sa isang indibidwal at sa pamahalaan. Pantay sa ibinibigay sa lahat ng mamamayan ng estado.
  • Kategorya ng legal rights o constitutional rights
    • Karapatang sibil
    • Karapatang politikal
    • Karapatang sosyo-ekonomik
    • Karapatan ng akusado
  • Karapatang sibil
    Mga karapatang nagbibigay ng pagkakataon sa mamamayan ng estado na magkaroon ng maayos na buhay sa lipunang kinabibilangan. Mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
  • Karapatang politikal
    Mga karapatan ng mamamayang makilahok at maging bahagi ng mga prosesong pampolitika. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mamamayan na aktibong makibahagi sa mga usapin at gawaing pampolitika. Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
  • Karapatang sosyo-ekonomik
    Mga karapatang nagbibigay ng pang-ekonomiyang seguridad sa mamamayan. Mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibidwal. Ilan sa mga pangunahing halimbawa nito ay ang karapatang maghanapbuhay, karapatang mabigyan ng tama at makatarungang sahod, karapatang magpahinga at karapatang magkaroon ng seguridad at kaligtasan sa trabaho.
  • Karapatan ng akusado
    Mga karapatang nagbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anomang krimen.
  • Statutory rights
    Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. Halimbawa ay ang karapatang makatanggap ng minimum wage.
  • Ang mga karapatang ito ay nararapat na taglay ng bawat indibidwal dahil taglay nito ang dignidad ng isang tao, anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at kalagayang pang-ekonomika.
  • Bakit mahalaga para sa isang indibidwal na maging maalam sa kaniyang mga Karapatan?

    Upang maging ganap ang pagtamasa ng bawat indibidwal ng kanyang mga Karapatan
  • Bakit mahalagang maging ganap ang pagtamasa ng bawat indibidwal ng kanyang mga Karapatan?
    Upang matiyak ang dignidad at karapatan ng bawat indibidwal