pagbasa exam

Cards (33)

  • Teksto
    Ang teksto ay tumutukoy sa iba't ibang babsahin na nag lalaman ng mga ideya, pananaw, opinyon at paglalarawan na nasa imahinayon ng isang manunulat na maaaring piksyon o di piksyon.
  • KAHULUGAN NG PAGBASA
    Ang Pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan
  • TEKSTONG IMPORMATIB
    Naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
  • Tekstong Deskriptib
    Ito ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy,
  • Deskriptib Impresyunistik
    ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat.
  • Deskriptib Teknikal
    ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng _obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.
  • Tekstong Naratib
    Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda,maaari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon).
  • Ekposisyon
    impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan.
  • Mga komplikasyon o kadena
    ng kaganapan
    dito nakikita ang pagkakasunod-sunod ng
    pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon.
  • Resulusyon o denouement
    ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito
    nabibigyang solusyon ang
    tunggalian o suliranin.
  • KAHALAGAHAN NG PAGBASA
    1. Nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay
    2. Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa pangaraw-araw
    3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin
    4. Nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karununggan
    5. Nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan
    6. Nakapagdudulot ng iba't ibang karanasan sa buhay
    7. Nagsisilbing susi sa malawak na karunungan na natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
  • Iskaning
    • Mabilis na teknik ito ng pagbasa na ang pokus ng mambabasa ay makuha lamang ang mga espesipikong impormasyon.Iskaning
  • Iskiming
    • Gaya ng iskaning, ang iskiming ay mabilis na teknik din ng pagbasa, subalit pangkalahatang impormasyon naman ang ating hinahanap.
  • Kaswal
    • Ang teknik na ito ay tinatayang pang - ubos oras lamang ng pagbasa. Sa madaling sabi, wala kang tiyak na layunin at intensyon kaugnay sa yong binabasa.
  • Kritikal
    • nangangahulugang pagsusuri at pagsasala ng mga impormasyong iyong natatanggap. Ibig sabihin, ikaw ay lumilikha ng sarili mong pamantayan upang paniwalaan o hindi paniwalaan ang isang bagay na nabasa mo.
  • Komprehensibo
    • tumutukoy sa pagkuha ng lahat ang detalye maging ito man ay maliit o malalaking detalye.
  • Pribyuwing
    • Ang mambabasa ay tanging kinukuha lamang ang lahat ng mahahalagang impormasyon ng isang babasahin.
  • Replektib
    • Replektib na teknik ang pagbasa kung maisasabuhay ng isang mambabasa ang kanyang binabasa at nauunawaan niya ito nang lubos.
  • Muling - Basa
    • Tinatawag ito sa Ingles na re-reading at tumutulong sa mga mambabasa na maging pamilyar sa mga detalye ng binabasa tungo sa lubos na pag - unawa.
  • Pagtatala
    • Notetaking naman ito kung tawagin sa Ingles na malaki ang naiaambag sa mambabasa. Nagagawa kasi nitong mabigyang emphasis o haylayt ang iyong binabasa. Kadalasan itong isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasalungguhit sa teksto,
    paglalagay ng asterisk, paggamit ng haylayter at iba pa.
  • ANG APAT NA ANTAS NG PAGBASA
    1. Literal na Pang-unawa
    • Ang pang-unawang ito ay ang kakayahang pansinin ang katotohanan o opinyon sa binasa. Mahalaga ang kakayahang ito upang malaman ang pinakadiwa ng binabasa batay sa ma patunay o saliksik.
  • Pagbasa sa Pagitan ng Salita (Inferential
    Level)

    • ang kakayahang maintindindihan o unawain ang kaakibat na kahulugan ng mga nakalimbag na salita.
  • Pang-unawang Kritikal
    • nangangailangan ng malawak na kaalaman sa paksang binabasa upang mapagtanto at makabuo ng matatag na pananaw.Ang mga bagay na maaaring makatulong sa bumabasa sa larangang ito ay ang pagsasaalang-alang kung sino ang may akda, ang paninindigan nito, mga karanasan at ang may kinalaman o patungkol sa may akda.
  • Malikhaing Antas ng Pagbasa (Creative Level of Comprehension)

    • ang kakayahang maiugnay sa buhay ang mga binasa. Sa antas na ito, nagaganap ang pagbabago sa buhay o pananaw ng isang mambabasa, ito ang pinakamahalagang antas ng pagbabagong naidudulot.
  • MGA HAKBANG SA PAGBASA
    1. Komprehensyon o pagkaunawa
    • Higit pa ito sa pagkilala ng mga salita dahil sa nangangaghulugan ito nang lubos na pag-unawa sa pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa loob ng mga pangungusap sa isang talata ng isang buong akda o artikulo.
  • Persepsyon o pagkilala
    • Nakapaloob dito ang pagkilala sa mga salita.
  • Reaksyon
    • Kinapapalooban ito ng dalawang hakbang:
    Una ay ang pa-emosyunal na ang bumabasa ay humahanga In sa estilo at nilalaman ng akdang kanyang binabasa at ang ikalawa ay paintelektwal, na ang bumabasa ay nakapagpapasya sa kawastuhan at tinataglay nitong lohika sa kanyang akdang binabasa.
  • Asimilasyon
    • Hakbang ito ng pagkuha sa mga impormasyon o kaalaman na iuugnay at isasantabi muna pansamantala sa isipan upang muling balikan sa oras ng pangangailangan.
  • Kabilisan/Kabagalan ng Pagbasa
    • tumutukoy sa panahon o oras ng isang mambabasa. Ipinaliliwanag dito, ang kabilisan o kabagalan ng isang mambabasa taglay ang layunin at dahilan niya sa pagbasa, pagpapalawak ng vokabularyo, at marami pang iba, at higit sa lahat ang ginagamit na wika.
  • Kasanayan at Kaugalian sa Pag-aaral
    • Ipinapaliwanag dito, na ang kasanayan at kaugalian sa pagbabasa ay nakasalalay sa isang mahusay na atityud o sistema ng pagbabasa ng isang indibidwal.
    1. Lipping
    • Madalas na paggalaw na labi na kung minsan ay nagiging hadlang sa mabisang pagbasa.
    Upang maiwasan ito, kumuha ng bolpen o lapis at itapat ito sa yong labi sa paraang horizontal. Gawin ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo hanggang sa tuluyan na itong maalis.
  • b. Tongue - Warbling
    • Madalas na paglalaro ng dila sa loob ng bibig na nagdudulot ng tunog at nagsisilbing hadlang din sa mabisang pagbasa.
  • c. Jawing
    • Madalas na paglalaro naman ito ng panga dulot din ay hadlang