Mga tauhan sa Noli me Tangere

Cards (52)

  • Ibarra
    Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego
  • Maria Clara
    Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso
  • Padre Damaso ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara
    Padre Damasoay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clarang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara
  • Kapitan Tiago
    Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama- amahan ni Maria Clara
  • Elias
    Eliasay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nitong bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito
  • Sisa, Crispin, at Basilio
    • Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit
    • Si Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
  • Pilosopo Tasio
    Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego
  • Donya Victorina
    Si Donya Victorina de los Reyes de Espadanya o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila
  • Padre Salvi o Bernardo Salvi
    kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara
  • Alperes
    matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
  • Donya Consolacion
    napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali
  • Don Tiburcio de Espadanya
    isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina
  • Linares
    malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara
  • Don Filipo
    tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin
  • Señor Nol Juan
    namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan
  • Lucas
    kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra
  • Tarsilo at Bruno
    magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila
  • Tiya Isabel
    hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara
  • Donya Pia Alba
    masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang
  • Inday, Sinang, Victoria, at Andeng
    mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
  • Kapitan-Heneral
    pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka- ekskomunyon si Ibarra
  • Don Rafael Ibarra
    ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe
  • Don Saturnino
    lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias
  • Balat
    nuno ni Elias na naging isang tulisan
  • Don Pedro Eibarramendia
    ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
  • Mang Pablo
    pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias
  • Kapitan Basilio
    ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego
  • Tinyente Guevarra
    isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama
  • Kapitana Maria
    tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama
  • Padre Sibyla
    paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra
  • Albino
    dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa
  • Dr. Jose Rizal
    Pambansang Bayani ng Pilipinas
  • Isinilang si Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna
    Hunyo 19, 1861
  • Dr. Jose Rizal
    Pambansang Bayani ng Pilipinas
  • Magulang ni Dr. Jose Rizal
    G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo
  • Isinilang si Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna
    Hunyo 19, 1861
  • Pag-aaral ni Dr. Jose Rizal
    1. Nagsimula ng pag-aaral sa bahay
    2. Ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Biñan, Laguna
    3. Nakapagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876
    4. Ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885
    5. Natuto bumasa at sumulat ng iba't ibang wika kabilang na ang Latin at Greko
    6. Nakapagtapos ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg
  • Mga nobela ni Dr. Jose Rizal

    "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo"
  • Ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila
  • Umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal
    Hunyo 18, 1892