Esp 😓

Cards (17)

  • Panaginip

    Nangyayari lamang sa isipan habang natutulog. Natatapos kapag nagising na.
  • Pantasya

    Likha ng malikhaing isip. Pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa kagustuhan. Masarap magpantasya dahil lahat ng gusto ay posible. Ginagamit upang takasan ang mga problema. Hindi nakatutulong mabuhay sa pagpapantasya, kailangan harapin ang mga suliranin at katotohanan.
  • Para magtagumpay, kailangan magkaroon ng konkretong pangarap
  • Mga katangian ng taong may pangarap

    • Handang kumilos upang maabot ito
    • Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap
    • Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap
    • Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito
  • Mithiin o Goal

    Tunguhin o pakay na nais maabot o makamit sa hinaharap. Ang pagkamit nito ang magbibigay ng saysay sa buhay.
  • Mahalaga ang pagiging mapanagutan sa pagpili ng mithiin. Kailangang isaalang-alang ang kahihinatnan nito para sa sarili at kapwa.
  • Pangmadaliang Mithiin
    Maaaring makamit sa loob ng isang araw, isang linggo, o ilang buwan lamang
  • Pangmatagalang Mithiin
    Maaaring makamit sa loob ng isang semestre, isang taon, limang taon o sampung taon. Karaniwang makahulugan at mahalagang mithiin.
  • Kakailanganing Mithiin o Enabling Goal

    Espesyal na uri ng pangmadaliang mithiin dahil ito ay pantulong sa pagkamit pangmatagalang mithiin. Mga hagdang bato na magagamit na panukat ng pag-usad tungo sa pagkamit ng pangmatagalang mithiin.
  • Mga pamantayan sa pagtatakda ng mithiin (SMART)

    • Specific (Tiyak)
    • Measurable (Nasusukat)
    • Attainable (Naaabot)
    • Relevant (Angkop)
    • Time-bound (Pagtatakda ng Panahon)
    • Action-oriented (Nakatuon sa Pagkilos)
  • Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya

    1. Kumuha ng kaalaman
    2. Magnilay sa mismong aksyon
    3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasya
    4. Pag-aralang muli ang pasiya
  • Kumuha ng kaalaman

    Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa tumpak na kaalaman
  • Kumuha ng kaalaman

    • Isangguni sa pinagkakatiwalaan mong guro ang iyong mga agam-agam
    • Malaman ang mga pananaw upang maintindihan mo ang iba't-ibang anggulo sa isang bagay
  • Magnilay sa mismong aksyon

    • Surin ang uring aksyon
    • Tanungin ang sarili kung ano ang personalnahangarin sa isasagawang aksyon
    • Tingnan ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksyon
    • Surin ang damdamin sa napiling isasagawang pasya
  • Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasya

    Ang panalangin ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang maging malinaw kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa iyo
  • Maging bukas sa posibilidad na magbago ang pasya pagkatapos ng prosesong pinagdaanan mo
  • Pag-aralang muli ang pasiya

    Kung may pag-aalinlangan ka sa iyong mga pasya, kailangan mong pag-aralan itong muli na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri