Filipino

Cards (58)

  • Tolentino (2001)
    Ang edad ng kulturang popular ay sumapit na. Hindi lamang sa mga kinakain, iniinom, pinanonood, inaamoy, napakikinggan, isinusuot kundi sa mga tekstong nais basahin ng mga kabataan. Masasabing ang pagsusuri ng kulturang popular ay bahagi rin ng pagsusuri ng mga popular na babasahin. Isa sa mga katangian ng kulturang popular ay pagpapalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya.
  • Kontemporaryong panitikan
    Makabago at pangkasalukuyang sulatin na inilimbag at binubuo sa iba’t ibang anyo. Ito ay tinatawag ding Popular na Babasahin at Kulturang Popular.
  • Ang pag-usbong ng mga popular na babasahin ay bunsod ng pagpili ng mga tao na ito ay tangkilikin. Kung ano ang pinakamarami iyon ang tatanghaling popular na babasahin. Kung gayon ang kakayahang pumili ng mga babasahin ay nakabatay sa konsepto ng pagiging mabenta ng isang babasahi
  • pahayagan
    Ito ay isang uri ng print media na malaki na ang ginampanan mula noon hanggang ngayon sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Makikita o mababasa rito ang mga makabagong balita sa ating bansa positibo man ito o negatibo.
    Ang pahayagan ay para sa lahat ng mga tao.
  • Tabloid
    Ito ang masasabing isang pangmasang pahayaga dahil abot kaya ang presyo nito at nakasulat pa ito sa wikang Filipino na tunay na naiintindihan ng mga tao.
  • Pahayagan
    Ito ay para sa patuloy na sumusubaybay sa isyu ng lipunan, sa mga artistang kanilang hinahangaan, sa mga naghahanap ng trabaho, maging sa balita tungkol sa
  • BROADSHEET
    Ito ang pahayagang nakasulat sa wikang Ingles at ang target na mambabasa ng ganitong uri ng pahayagan ay ang mga nakaaangat sa buhay.
  • “Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakayanyahan ito. May katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa, magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.”
    –Professor Joey ng UP
    • layunin ng komiks
    Magbigay-aliw sa mga mambabasa Magturo ng iba’t ibang kaalaman Magsulong ng kulturang Pilipino
  • KOMIKS
    Ito ay isang grapikong midyum na ginagamitan ng mga salita at larawan upang ihatid ang salaysay o kuwento. Kinagigiliwan at naging popular ito dahil sa angking kasiningan at naglalaman ng mga larawan at pahayag na kawili-wili.
  • Sa Pilipinas, sinasabing si Dr. Jose Rizal ang pinakaunang gumawa ng komiks.
  • Pagong at Matsing ang pamagat ng komiks istrip ni Dr. Rizal na inilathala sa magasing Trubner’s Record sa Europa.
  • Tinatawag naman si Tony Velasquez na “Ama ng Pilipinong Komiks” sapagkat siya ang nagpasimula at nagpaunlad ng sining ng mga serye ng mga larawangguhit sa bansa.
  • MAGASIN
    Ito ay isang uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw na hatid nito.
  • LIWAYWAY
    Ito ang kauna-unahang magasin sa Pilipinas na naglalaman ng mga maikling kuwento, sunod-sunod na nobela na naging instrumento upang umunlad ang kamalayan ng mga tao sa kulturang Pilipino.
  • Sa pamamagitan ng Liwayway, dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng mga pamilyang Pilipino.
  • CANDY
    Ang target na mambabasa nito ay ang mga kabataang babae na may edad na 13 hanggang 18. Dahil dito, mas nakapokus ito sa mga hilig ng mga mag-aaral na kababaihan sa hayskul.
  • ENTREPRENEUR
    Malaki ang maitutulong ng magasing ito sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Hindi na problema ang kawalan ng edukasyon sa pagnenegosyo dahil ang Entrepreneur ay nakapagbibigay ng mahahalagang ideya tungkol dito.

  • Nakilala ang Metro bilang isa sa nangungunang magasin sa fashion. Mga balita tungkol sa fashion, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman nit
  • MULTIMEDIA
    Ito ay isa sa mga midyum na ginagamit upang maipalaganap ang kulturang popular. Ang mga halimbawa nito ay ang radyo, Internet, broadcast, at print o iba pang mga bagay na nakaaabot sa maraming mga tao.
  • Dahil sa media, lagi tayong nagkakaroon ng kaalaman sa mga nangyayari sa ating paligid, bali-balita, mapa-isports man o mapa-showbiz, hindi lang sa bansang Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.
  • SOCIAL NETWORKING SITES
    Ito ay ang mga websites na tumutulong upang magkaroon ng koneksyon o komunikasyon ang dalawang tao. Ang Facebook, Twitter, Instagram, at marami pang iba na mga halimbawa nito.
  • Sa panahon ngayon, midya ang pangunahing daluyan ng pakikipagtalastasan ng mga tao na nagdudulot din ng pagkakaiba ng wikang ginagamit.
  • Antas ng Wika
    Ito ang pagkakahanay ng wika mula sa pinakamaunlad at pinakalaganap na ginagamit tungo sa hindi gaanong maunlad at iilan lamang ang gumagamit.
  • Antas ng wika
    Wikang Pambansa
    Wikang Panlalawigan
    Wikang Pampanitikan
    Wikang Espesyalisado
    wikanh Balbal
  • WIKANG PORMAL
    Antas ng wikang sumusunod sa tamang estruktura na karaniwang gamit sa pormal na pagpapahayag gaya ng talakayang pangklase, misa o pagsamba, mga opisyal na pulong o organisasyon o kompanya, mga opisyal na korespondensiya, mga batas at iba pa.
  • WIKANG DI PORMAL
    Antas ng wikang Malaya at hindi sumusunod sa istandardisadong paggamit ng isang wika. Ito ay ginagamit sa mga kaswal na usapan tulad ng kwentuhan sa pamilya, groupchat at sa magkakaibigan. Walang isyu na tumataliwas sa itinuturong tamang estruktura.
  • KOLOKYAL
    Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan na may kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
  • TAGLISH – wikang mas nakalalamang ang Tagalog kaysa English.
  • ENGALOG – wikang mas nakalalamang ang English kaysa tagalog.
  • BANYAGA
    Salitang hiniram sa ibang wika na walang katumbas sa wikang Filipino.
  • BALBAL
    Pinakamababang antas ng wika. Ito ay tinatawaga ding salitang kalye p salitang kanto.
  • Ang mga salitang balbal ay nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita.
  • Para
    Espanyol
    Ihinto ang sasakyan
  • bag
    Ingles
    Lalagyan ng gamit
  • bangko
    Espanyol
    Banco
  • BALBAL
    Ito ay salitang hindi
    estandardisado na bunga ng
    pagkamalikhain ng pangkat na
    gumagamit nito.
    Dahil hindi ito pino at kung minsan
    ay katawa-tawa hindi ito iminumungkahig gamitin sa pormal na mga diskusyon.
  • SALITANG KANTO. Nabuo sa pamamagitan ng pagbabago ng ayos ng mga titik o pantig ng salita. Maari ring inimbento lamang ang mga salita.
  • Helmet – ulo ng manok
  • Repapare