PICTO SANAYSAY

Cards (9)

  • Pictorial essay

    Sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng mga larawan at kapsyon
  • Pictorial essay
    • Naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng isang akda sa pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga deskripsyon o kapsyon
    • Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-kulay at kahulugan sa mga kaisipang nais iparating ng teksto
    • Karaniwang umiikot lamang ito sa isang paksa o tema kaya'y mahalagang ang mga serye ng larawan ay magkakaugnay
  • Mga sangkap ng pictorial essay
    • Pamagat
    • Pokus sa tema
    • Personal na manunulat
    • Mamamahayag
    • Potograpo
    • Photo journalists
    • Artista
    • Mag-aaral
    • Teksto
    • Larawan
  • Malinaw na paksa
    • Siguraduhing nauunawaan mo at mayroon kang malawak na kabatiran hinggil sa paksa
    • Ang mga larawang nakapaloob dito ay nararapat na may kaugnayan lamang sa isang kaisipang nais bigyang-diin sa akda
  • Sariling likha
    • Higit na magiging makabuluhan ang iyong akda kung ang mga larawan, paraan ng paglalahad at pagbibigay-kahulugan sa mensaheng nais ipaabot nito ay nagmula sa sariling ideya
  • Organisado
    • Nararapat na ang mga larawan ay nakaayos ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod
    • Kinapapalooban din ito ng malinaw, malaman at kawili-wiling panimula, katawan at wakas
  • Kalidad ng mga kuhang larawan
    • Dahil higit na itinatampok sa pictorial essay ang mga larawan, kinakailangan na ang mga pipiliing imahe ay tunay na may kalidad ang komposisyon at nagpapahayag ng kahulugan o damdaming maaaring nakabatay sa kulay, ilaw at artistikong pagkakakuha
  • Maingat at mahusay na paggamit ng wika
    • Hindi lamang ang mga larawan ang nararapat na maging malinaw sa pictorial essay sa halip maging ang deskripsiyon o kapsiyon din
    • Kailangang isaalang-alang ng may-akda ang kawastuhang gramatikal ay iba pang tuntuning pangwika upang mailahad ang kabuoang kaisipan ng teksto
  • Hakbang sa paggawa ng pictorial essay
    1. Isaalang-alang ang uri ng iyong mambabasa
    2. Ang mga larawan ay nararapat gamitin upang matamo ang iyong layunin
    3. Kumuha ng maraming larawan ngunit siguraduhin ang kaisahan nito
    4. Higit na nakapupukaw ng kawilihan at damdamin ang mga paksang nauukol sa pagpapahalaga o mga kuwentong nag-iiwan ng aral sa isip at puso ng mga mambabasa
    5. Gamitin ang mga larawan bilang gabay sa paglikha ng makabuluhang pictorial essay
    6. Siguraduhing sistematiko at organisado ang paraan ng pagkakalahad ng nilalaman ng pictorial essay