Filipino pt 3

Cards (33)

  • Dekada 50 ng makarating ang telebisyon sa Pilipinas.
  • Inangkat ang telebisyon ni Antonio R. Quirino mula sa Amerika.
  • Naging simula naman ng bagong era ang nangyari,
    ang ere ng media sa Pilipinas – ang paghahatid ng imprmasyon sa pamamagitan ng audio-visual.
  • Si James B. Lindenberg, ang may-ari ng Bolinao Electronics Corporationo BEC, siya ang kinikilalang “Ama ng Telebisyong Filipino”.
  • 1952
    Nabili ni Antonio ang BEC at tinawag itong Alto Broadcasting System (ABS).
  • Noong Oktubre 23, 1953 unang sumahimpapawid ang DZAQ-TV3 at si Lindenberg ang tagapamuno sa estasyon na ito.
  • 1955
    Nasa anim na libo na ang bilang ng yunit ng telebisyon sa Pilipinas. Noong panahon na iyon, binubuksan ng mga nakaluluwag ang kanilang tahanan upang makapanood ang ibang tao sa kanila.
  • 1957
    Ibinenta ang Alto Broadcasting System (ABS) sa Chronicle Broadcasting Network (CBN) na pagmamay-ari nila Fernando Lopez (pangalawang pangulo ng Pilipinas noon). Naging pormal ang pagsasanib ng kompanya at nabuo ang ABS-CBN
  • NEWS
    Ito ang mga programang naghahatid ng pinakamainit at pinakabagong impormasyong tungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa na may kinalaman sa politika, lipunan, edukasyon, showbiz, isports at iba pa.
  • PUBLIC AFFAIRS
    Ito ang mga programang nagbibigay ng malalimang pagtalakay sa isang paksa. Layunin nitong bigyan-kamulatan ang mga manonood at tulungan silang magkaroon ng matalinong pagkukuro tungkol sa isyu.
  • TALK SHOW
    Ito ay nauukol sa isang usapin o paksa kung saan ang karaniwang host ay may mga panauhing kinapapanayam upang magbigay-kabatiran tungkol sa isang paksa.
  • SOAP OPERA/TELESERYE
    Ito ay dulang pantelebisyon na
    kinatatampukan ng isang pangunahing tauhang sumsuong sa sala-salabat na mga suliranin at tunggalian. Pinupukaw nito ang damdamin ng mga manonood batay sa kasaysayan ng kuwento. Tumatakbo ito ng ilang buwan hanggang taon dahil sa komplikadong banghay.
  • Comedy Show
    Ito ay mga programang ang layunin ay magpatawa at pukawin ang kasiyahan ng mga manonood.
  • Ang Situational Comedy o sitcom ay nagsasadula ng pang-araw-araw na buhay na inilahad sa paraang magaan at nakatatawa.
  • Variety Show
    Ito ay programang nagtatanghal ng kantahan, sayawan, palaro, pakontest, tagisan ng talent, patawa, hosting at iba pa.
  • Reality Show
    Ito ang palabas na nagdodokumento sa natural na pagkilos ng totoong tao. Maaring sinadya ang paglalagay sa kanila sa isang kapaligiran upang makita ang natural nilang mga pagkatao, inter-aksiyon o pagtugon sa ibsa’t ibang sitwayson.
  • Magazine Show
    Programang nagtatampok ng mga espesyal na interes gaya ng isang pambihirang tao, lugar, pangyayari at iba pa. Ito ay kinapapalooban ng magaan at kawili-wiling mga paksa.
  • Educational Shows
    Ito ay mga panood na nagtataglay ng mga paksang maaring kapulutan ng aral ng mga estudyante.
  • business show
    Tinatalakay ng ganitong programa ang mga usaping pang-ekonomiya, pang-Negosyo, pangkalakalan at pang-industriya. May pagtatalakay ito sa galaw ng mercado, mga estadistika, mga pinansya na polisya ng gobyerno, pagbubuwis at iba pa.
  • Sports show
    Dito tinatalakay ang iba’t ibang paksa at isyung pang-isports. Nagtatampok ng mga atleta at natatanging indibidwal sa mundo ng pampalakasan
  • Game/talent show
    nagtatagisan ng talino, kakayahan, o diskarte ang mga manlalaro para sa premyo. Sa talent show ay nagpapagalingan ng talent at ang tatanghaling kampeon ang nag-uuwi ng premyo.
  • Ang KAISAHAN o COHERENCE
    ay isang mahalagang katangian ng anumang pasalita o pasulat na diskurso. Sa pamamagitan nito, natitiyak na hindi lumilihis sa paksa at pagtalakay.
  • Ang mga TRANSITIONAL DEVICE o mga PANANDANG TRANSISYONAL ay mga salitang pangkayarian na tumitiyak ng ugnayang lohikal ng mga kaisipan. Sa paggamit nito naidurugtong ang isang pangungusap sa isa pang pangungusap, ang sugnay sa isa pang sugnay at talata sa isa pang talata.
  • PAGDARAGDAG
    • At, saka, dagdag pa rito, bukod dito, isama pa ang, kasama rin, isa pa at iba p
  • PAGTUTULAD AT PAG-IIBA
    • parang, gaya/kagaya, tulad/katulad, pareho/kaparehpp. Kamukha, kaparis, kahawig, kawangis, kahalintulad, animo, di-nalalayo, di naiiba sa, bilang pagtutulad/pagkukumpara, kaiba sa, di tulad ng, di gaya ng, sa kabilang banda/dako, gayunman, samantala at iba pa.
    3.
  • PAGPAPATUNAY AT PAGBIBIGAY-DIIN
    • totoo, talaga, tunay, sigurado, di-mapasusubalian, di-makukuwestiyon, walang duda, walang pasubali, walang kuwestiyon, walang pag-iimbot, walang pagdadalawang isip, natural, siyempre at iba pa.
  • PAGSUSUNOD-SUNOD
    • una, ikalawa, ikatlo, at iba pang pang-uring ordinal, A, B, C at iba pa; sumusunod, pagkatapos, pagkaraan, paglaon, kaalinsunod, makalipas ito, sa puntong ito, ngayon, nauna rito, kasabay nito, bago ito, sa huli at iba pa.
  • PAG-UULIT
    • muli, inuulit ko, gaya ng nasabi, tulad ng nabanggit, batay sa napag-usapan, sa ikalawang pagkakataon, isa pa, at iba pa.
  • PAGBIBIGAY SANHI
    • sapagkat, dahil sa kasi, bunsod ng, nagsimula sa, nagmula sa, nanggaling sa, nag-ugat, mangyari ay, palibhasa, sa dahilang, sanhi ng, iba pa
  • PAGBIBIGAY-BUNGA
    • Bilang resulta, bilang bunga, humantong sa, nauwi sa, nagbunga ng, bunga nito, kaya, tuloy atbp.
  • PAGBIBIGAY-PARAAN
    • Sa pamamagitan ng, gamit ang, kasangkapan ang, atbp
  • PAGBIBIGAY HALIMBAWA –halimbawa, kunwari, sa
    kasong ito, sa sitwasyong ito, sa sandaling ito, sa pagkakataong ito, tingnan ang nangyari sa/kay, par maipakita ang, para mailarawan ang, gaya ng, tulad ng at iba pa
  • PAGLALAGOM
    • Bilang paglalagom, bilang konklusyon, bilang pagtatapos, bilang pagsusuma, sa kabuoan, sa huli, sa madaling salita at iba pa.