Mahalaga ba ang pagkakaroon ng tao ng kapangyarihang politikal?
Nakarating ang mga Europeo sa Tsina sa pangunguna ng mga Portuges noong 1513
Ang Portuges na si JorgeAlvarez ang unang nakarating sa Macau (katimugang bahagi ng Tsina)
Pagsapit ng taong 1557 ay nakapagtatag sila sa Macau ng himpilang pangkalakalan
Mga bansang dumating sa Tsina
Espanyol
Olandes
Briton
Pranses
Amerikano
Naging maunlad ang pakikipagkalakalan ng mga Europeo sa Tsina dahil ang mga produkto tulad ng telang seda, tsaa, at porselana ay kinagiliwan ng mga Europeo
Noong mga panahon iyon, sa paniniwala ng mga Tsino ay mas superyor ang kanilang lahi kaysa mga Europeo o sa kahit sino mang hindi nila kalahi
Naninindigan din ang mga Tsino na hindi nila kailangan na bumili ng mga produkto mula sa mga dayuhan dahil natutugunan nila ang kanilang mga pangangailangan
Noong 1793, pinapunta ni Haring George III ng Britanya si Lord George Macartney sa Tsina upang kumbinsihin ang noon ay emperador na si Qianlong na buksan ang mga daungan sa hilaga ng Tsina para sa mga mangangalakal na Briton
Tumanggi ang emperador sa hiling ng mga Briton kung kaya hindi ginawa ni Macartney ang buong kowtow kay Qianlong
Ayon sa Qianlong, ang kowtow ay ritwal ng pagluhod at pagyuko na halos nakasayad ang noo sa lupa bilang paggalang sa emperador
Lumaki ang kita ng Tsina dahil sa pilak na binabayad ng mga Europeo habang hindi naman nito tinangkilik ang mga produktong banyaga
Upang mabawi ang kakulangan ng kita, naisip ng Britanya na magpuslit at magbenta sa Tsina ng opyo mula sa India na kanilang kolonya
Unang nakapasok ang opyo sa Tsina sa pamamagitan ng British East India Company
Dahil sa paglulong sa opyo, pinahinto ng pamahalaang Tsino ang ilegal na pagpasok ng opyo sa bansa
Kinumpiska at sinunog ng mga Tsino ang tone-toneladang opyo sa bodega ng mga Briton sa Canton
Ipinasara rin ng mga Tsino ang mga tindahan na nagbebenta ng opyo
Ang mga lumalalang tensiyon na ito sa pagitan ng dalawang bansa ay humantong sa pagdedeklara ng mga Tsino ng digmaan sa mga Briton na kinilala bilang Digmaang Opyo
Nagpadala ng hukbong pandagat ang mga Briton upang salakayin ang Tsina
Dahil sa mga makabagong kagamitang pandigma at mas mahusay na taktika ay madaling nagapi ng Britanya ang Tsina
Dahil sa pagkatalo ay napilitang makipagkasundo ang Tsina sa Britanya noong 1842 sa pamamagitan ng paglagda sa Kasunduan ng Nanking
Mga nakasaad sa Kasunduan ng Nanking
Pagkakaloob ng Hong Kong sa Britanya
Pagbabayad ng Tsina ng $21 milyong bilang bayad-pinsala
Pagtanggap ng Tsina ng mga kinatawan mula sa iba't ibang bansa
Pagkakaloob sa Britanya ng karapatang extraterritoriality
Pagbubukas ng mga himpilang pangkalakalan sa Amoy, Foochow, Ningpo, at Shanghai upang magamit ng mga Briton
Pagtanggal sa cohong o mga negosyanteg Tsino bilang tagapamagitan sa kalakalan
Itinuturing noon ang Britanya bilang "the most favored nation" sapagkat ito ang may pinakamalaki at pinakamaraming pabor na nakuha sa Tsina, lalo na sa pakikipagkalakalan
Pagsapit ng 1850 ay sunod-sunod na suliranin ang kinaharap ng Tsina tulad ng paglobo ng populasyon, kahirapan, pagkagutom, at kalamidad tulad ng pagbaha
Mula 1850 hanggang 1864, naganap ang malawakang pag-aalsa na tinawag na Rebelyong Taiping sa pamumuno ni Hong Xiuquan
Nabigo ang rebelyon sapagkat hindi sinuportahan ng mga dayuhan ang grupo ni Xiuquan
Sa halip, tinulungan ng mga Briton at Pranses ang pamahalaang Manchu na masugpo ang rebelyon
Extraterritoriality
Karapatan na ipinagkaloob sa mga Briton na litisin sa hukumang Briton at ayon sa batas ng Britanya kahit pa ang kanilang pagkakasala o krimen ay naganap sa Tsina
Dahil sa mga kaguluhan sa Tsina, nagsimula ulit na magpuslit ng opyo ang mga Briton sa bansa noong 1850
Muling nagdeklara ang Britanya ng digmaan sa Tsina dahil sa pangyayaring ito
Kinampihan ng Pransiya ang Britanya nang malaman nito ang ginawang pagbitay ng Tsino sa misyonerong Pranses na si Auguste Chapdelaine
Muli ay natalo ang Tsina sa digmaan na naging dahilan nang pagsang-ayon nito sa kasunduan sa Tianjin (Tientsin) noong 1858
Mga napagkasunduan sa Tianjin
Magbubukas ng karagdagang 11 pang himpilang pangkalakalan ang Tsina para sa mga mangangalakal na Europeo
Bibigyan ng proteksiyon ang mga misyonerong Kristiyano sa Tsina at pantay na pagtrato ang mga Tsino na yumakap sa Kristiyanismo
Ipagkakaloob sa Britanya ang tangway ng Kowloon
Papayagang manirahan at maglakbay ang mga dayuhan saan mang bahagi ng Tsina
Bibigyan ng karapatan ang mga dayuhan na tumira sa Peking (Beijing ngayon), ang kabisera ng Tsina
Gagawing legal ang pagbenta ng opyo
Spheres of Influence
Mga teritoryo na pinaghati-hatian ng mga bansang Kanluranin kung saan kontrolado ng isang bansa ang kabuhayan at kalakalan sa isang teritoryo na kung tawagin ay konsesyon
Mga bansang naghati-hati sa Tsina
Britanya
Rusya
Alemanya
Pransiya
Portugal
Ikinabahala ng Estados Unidos ang pagkakaroon ng konsesyon ng mga bansang Kanluranin sa Tsina
Batid ng mga Amerikano na maaaring maapektuhan nito ang kanilang pakikipagkalakalan sa Tsina, kung kaya iminungkahi nila ang pagpapatupad ng open door policy sa Tsina noong 1899
Hindi ikinatuwa ng maraming Tsino ang paghahati ng mga dayuhan sa kanilang bansa
Ang panghihimasok ng mga dayuhan ang tinuturong dahilan ng mga Tsino kung bakit nakararanas ng kahirapan ang Tsina