Gender bilang sosyolohikal, sikolohikal, at intelektuwal na konsepto. Ito ay karaniwang inuuri sa lalaki o babae.
Intersex - ito ay tumutukoy sa kalagayan ng isang tao na ipinanganak na may biyolohikal na bahaging pambabae at panlalaki kaya hindi angkop na tawaging babae o lalaki.
Gender identity - ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang tao bilang isang bababe, lalaki, parehos na babae at lalaki, walang kasarian, o nasa pagitan ng dalawang kasarian.
Gender expression - tumutukoy ito sa karaniwang galaw o gawi ng tao katulad ng kaniyang pananamit, pananalita, o kilos na nagpapakita ng pagkababae o pagkakalalaki.
Heteroseksuwal o naaakit sa kasalungat na kasarian. Halimbawa nito ay isinilang na babae at naaakit sa lalaki.
Biseksuwal na nangangahulugang ang isang tao ay naaakit sa dalawang kasarian.
Sexual orientation naman ay tumutukoy naman sa pakiramdam at
atraksiyon ng isang tao sa kaniyang kapwa.
Homoseksuwal o naaakit sa kaparehong kasarian.
Transgender ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, kung saan ang kaniyang pag-iisip at pisikal na katawan ay hindi nagtutugma o magkasalungat.
Transsexual ay may mga taon nais gumamit ng medikal na paraan katulad ng surgery o gamot upang makamit ang nais nilang anyo bilang babae o lalaki.