Karapatang Pantao A3

Cards (8)

  • Karapatang Pantao
    • tumutukoy sa mga karapatang taglay ng bawat tao, anuman ang lahi, kasarian, nasyonalidad, etnisidad, wika, relihiyon at iba pang katayuan.
    • Kabilang dito ang karapatan sa buhay at kalayaan, karapatang magpahayag ng saloobin, karapatang maging malaya mula sa anumang pang-aalipin at pananakit, karapatang makapaghanap-buhay at karapatan sa edukasyon, at marami pang anyo ng karapatan.
  • Karapatang Pantao
    • (a) universal o sumasaklaw sa lahat ng tao(b) interdependent at indivisible o magkakaugnay; at (c) equal o walang anumang itinatangi o diskriminasyon.
  • Pagbuo ng konsepto ng karapatang pantao
    • 1948 (Universal Declaration of Human Rights) - UN = Human Rights Comission na pinangunahan ni Eleanor Roosevelt. Sa pamamagitan ng Komisyon nilagdaan at ipinatupad ang Universal Declaration of Human Rights
    • 1864 (First Geneva Convention) - Pagpupulong ng 16 Europeong bansa at ilang estado ng USA sa Geneva, Switzerland. Kinikilala bilang "The First Geneva Convention" na may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang diskriminasyon
  • Mga Anyo ng Karapatang Pantao
    • Ang mga karapatang ito ang nagsilbing batayan ng maraming Saligang Batas,kabilang na ang sa Pilipinas, sa paglikha ng sariling Bill of Rights na siyang itinatakda ng Estado. 
    • Sa pangkalahatan, ang mga karapatang ito ay maaaring suriin sa mga sumusunod:
    • Karapatang Sibil: tumutukoy sa kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan
  • Mga Anyo ng Karapatang Pantao
    • Karapatang Politikal: mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas
    • Karapatan ng Akusado: mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen.
    • Karapatang Sosyo-ekonomiko: mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal
  • Pagbuo ng konsepto ng karapatang pantao
    • 1789 (Declaration of the Rights of Man and of the Citizen) - French Revolution na nawakasan ang kapangyarihan ni Haring Louis XVI. Nilagdaan ang "Declaration of the Rights of Man and of the Citizen"
  • Pagbuo ng konsepto ng karapatang pantao
    • 1787 (United States Bill of Rights) - inaprubahan ng United States Congress ang Saligang batas ng kanilang bansa. Nakapaloob dito ang "Bill of Rights" na ipinatupad noog Disyembre 15, 1791. Nagbibigay ito proteksyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa
  • Pagbuo ng konsepto ng karapatang pantao
    • 1215 (Magna Carta) - Lumagda si John I, Hari ng England, Sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. Sinasabi na hindi maaaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinumang pagpapasiya ng hukuman.