Aralin 2

Cards (10)

  • Ang pangunahing katangian o primary sex characteristics ay tumutukoy sa panloob at panlabas na ari ng lalaki (penis at testes) at babae (clitoris at ovaries).
  • Sekondaryang katangian o secondary sex characteristics ang mga pagkakaibang hormonal, gaya ng testosterone (lalaki) at estrogen (babae).
  • Diskriminasyon sa kasarian ay tumutukoy sa hindi pantay na pagtingin
    at pakikisalamuha sa indibiduwal dahil sa pag-uugnay ng kaniyang kalakasan at kahinaan sa kasarian.
  • Paniniwalang Kultural - Ang kulturang kinagisnan ay nakaiimpluwensya sa paniniwala at pananaw ng bawat indibiduwal. Ito ay nagiging batayan upang makita kung tama o mali ang isang gawi batay sa kaniyang nakasanayan.
  • Midya gaya ng TV, Pelikula, at Magasin - Ayon kay Geena Davis ng Institute on Gender in Media, ang objectification ng kababaihan ay laganap sa iba’t ibang uri ng midya sa buong mundo. Bawat imahen na nakikita sa telebisyon, pelikula, at magasin ay nagbibigay laya sa pisikal at berbal na pang-aabuso sa kababaihan. Bilang karagdagan, piling-pili ang palabas na nagpapakita ng pantay na pagtingin sa kasarian.
  • Kakulangan ng Edukasyon - Ang kakulangan ng sapat na edukasyon ay maaaring maging dahilan upang hindi maipaglaban ng sinuman lalo na ng kababaihan ang kanilang mga karapatan.
  • Pananaw ng Pamilya - Ang pamilya ang pangunahing pundasyon ng isang bata. Ang paniniwala ng kinalakihang pamilya ay taglay rin ng bata sa kaniyang paglaki. Kung ang kinalakihang pamilya ay may mga gawi ng panghuhusga sa kasarian ng indibiduwal, hindi malayong masanay sa pangungutya at pang-aasar sa kasarian ang sinumang lumaki sa pamilyang ito.
  • Kawalan ng Kaukulang Batas - May mga kanluraning bansa na may mga batas nang sumusugpo sa anumang uri ng diskriminasyon. Ito ang maaaring magbigay ng babala at tuntunin sa mga mamamayan na ang diskriminasyon sa kasarian ay dapat na iwasan. Ngunit, marami pa ring bansa ang walang kaukulang batas para sa pantay na pagtingin sa mga tao kahit ano pa man ang kasarian.
  • Mga Anyo ng Diskriminasyon sa Kasarian:
    1. Sa Pamilya
    2. Sa Trabaho
    3. Sa Pulitika
  • Mga Salik na Nagiging Dahilan ng Diskriminasyon sa Kasarian:
    1. Paniniwalang Kultural
    2. Midya gaya ng TV, Pelikula at Magasin
    3. Pananaw ng Pamilya
    4. Kakulangan ng Edukasyon
    5. Kawalan ng Kaukulang Batas