PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING PAMPOLITIKA

Cards (31)

  • Pormal na Partisipasyon at Legal na Aktibismo:
    • Pagboto sa halalan
    • Referendum, inisyatiba, plebisto, at recall
    • Pagtakbo sa halalan
    • Pagiging miyembro at pakikilahok sa isang pampolitikang organisasyon
    • Pagbo-boykot
    • Pagsulat at pagpirma ng petisyon
    • Pamimigay ng mga polyeto
    • Pagsama sa strike o rali
  • Mga Ilegal sa Aktibismo
    • Pagsira sa mga pag-aari ng pamahalaan o pribadong indibidwal o grupo
    • Civil disobedience
    • Pagbibigay ng donasyon sa mga partidong pampolitika
  • Lahat ng mga idibidwal ay makaboto, makatakbo sa halalan, at mabigyan ng donasyon sa mga partidong pampolitika. Kasali sa kolektibo ang pagiging miyembro at pakikilahok sa mga gawain ng isang pampolitikang organisasyon o partido.
    Pormal na Pakikilahok sa Politika
  • Ang indibidwal ay may abilidad sa pagbo-boykot, pagpirma sa mga petisyon, at pamimigay ng mga polyeto. Para sa kolektibo, mayroon silang abilidad sa pagsama sa welga o rali.
    Legal Extra-parliamentary Political Participation o Aktibismo
  • Ang indibidwal at kolektibo ay may abilidad sa pagsira sa pag-aari ng pamahalaan o ng pribadong mga tao o gurpo bilang protesta. Kasali rito ang civil disobedience.
    Illegal Extra-parliamentary Political Participation o Aktibismo
  • Ito ay isang batas na pinahihintulan ang pagsasagawa ng people’s initiative o susugan ng mga mamamayan ang anumang batas o panukalang batas kung makapagpapakita sila ng petisyon na pinirmahan ng 10 porsiyento ng lahat ng mga rehistradong botante sa bansa at 3 porsiyento kada distrito na may edad 18 pataas.
    Batas Republika blg. 6735 o The Initiative Referendum Act
  • Ito ay simbolo ng hindi pagsang-ayon sa mga patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan o ng pribadong kompanya.
    Boykot
  • Ito ay mahinahong hakbang upang maiparating ang hinaing o kahilingan ng isang grupo sa pamahalaan o pribadong kompanya.
    Petisyon
  • Ito ay ang panandaliang paghinto sa trabaho o gawain na kadalasan ay may kasamang pagwewelga laban sa umiiral na kondisyon o upang mapilitan ang kinauukulan na pakinggan at bigyan-solusyon ang hinaing ng grupong nagsagawa ng strike.
    Strike
  • Ito ay isang gawaing pampubliko kung saan ang mga nagwewelga ay pumupunta sa lansangan o sa mga “freedom park” upang magtipon at sabay-sabay na iparating sa kinauukulan ang kanilang hinaing.
    Rali
  • Ito ay ang akto ng hindi pagsunod ng mga mamamayan sa mga alituntunin ng pamahalaan bilang tanda ng pagtutol.
    Civil Disobedience
  • Ito ang proseso ng pagtutulungan upang matamo ang isang layunin.
    kooperasyon
  • Dalawang uri ng kooperasyon:
    • Direktang Koopersayon
    • Hindi Direktang Koopersayon
  • Isinasagawa ito kapag may mga gawaing hindi kayang gawin ng isang indibidwal at nangangailangan ng kooperasyon o tulong mula sa ibang tao
    Direktang Kooperasyon
  • Ito ay ang paggawa ng mga tao ng magkakaibang gawain subalit may iisang layunin na nais matamo.
    hindi direktang kooperasyon
  • Ang paglahok sa hindi direktang kooperasyon ay nakabase sa prinsipyo ng division of labor.
  • Ito ay may kinalaman sa mga paniniwala at oryentasyon ng mga tao na nakaaapekto sa kanilang persepsiyon sa politika
    kulturang pampolitika
  • Tatlong uri ng kulturang pampolitika:
    • Parochial
    • Subject
    • Participant
  • Ang mga pinunong pampolitika, tulad ng chieftain o shaman, ang may hawak hindi lamang ng tungkuling pampolitika kundi pati ng tungkuling pang-ekonomiya at pang-espiritwal.
    Parochial
  • Alam ng mga mamamayan na mayroong pamahalaan at may mga pagkakataong ipinagmamalaki o di kaya ay kinamumuhian nila ito.
    Subject
  • Kritikal ang mga mamamayan sa pamahalaan at malaya silang nakikilahok sa proseso ng pamahalaan.
    Participant
  • Ayon sa dalubhasang si David Wurfel, ang kulturang pampolitika ng Pilipinas ay kombinasyon ng parochial at subject.
  • Walong pamantayan sa mabuting pamamahala:
    • Consensus oriented
    • Equitable and inclusive
    • Effective and efficient
    • Participatory
    • Responsive
    • Follows the rule of law
    • Transparent
    • Accountable
  • Ang mga mamamayan, mapalalaki man o babae, ay nakikisangkot sa mga gawain sa pamahalaan, direkta man o sa iba pang legal na pamamaraan.
    Participation
  • Patas ang batas partikular sa karapatang pantao.
    Rule of Law
  • May malayang palitan ng impormasyon upang mabantayan ang mga proseso, institusyon, at impormasyon na hawak ng pamahalaan.
    Transparency
  • Tumutukoy ito sa pagtugon ng mga sektor ng pamahalaan sa mga mamamayan
    Responsiveness
  • Balanseng napakikinggan ang opinyon, pananaw, at interes ng lahat sa pagbuo ng desisyon
    Consensus Orientation
  • Pantay ang lahat ng kasarian sa pagkakaroon ng mga oportunidad upang mapaunlad ang sarili.
    Equity
  • Nagagamit nang maayos ang mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa lipunan
    Effectiveness and efficiency
  • Pananagutan ng pampubliko, pribado, at civil society ang pagbuo ng mga desisyon sa pamamahala.
    Accountability