Mga Kagamitan sa Paggawa

Cards (27)

  • May mga kagamitang kailangan sa paggawa ng mga bagay na yari sa kamay
    1. Sa paggawa ng proyekto maging ito ay yari sa kahoy, metal, goma at mga kagamitang katutubo
    2. Kailangan ang angkop na kasangkapan sa bawa't uri ng mga gawain
    3. Ang kaalaman sa iba't ibang kasangkapan sa paggawa ay makaka-tulong sa mag-aaral upang makabuo ng isang gawaing pangindustriya
  • Mga Kagamitan sa Gawaing Kahoy
    • Lapis
    • Ruler
    • Iskwala
    • Katam
    • Lagari
    • Pait
    • Martilyo
    • Barena
    • Granil
  • Lapis
    karaniwang ginagamit na pang-marka ng mga karpintero
  • Ruler
    gamit sa pagsukat ng gagawing maliliit na proyekto na may 12 pulgada o 30 sentimetro ang laki
  • Iskwala
    isang kasangkapang hugis L na may 90 degrees upang makatiyak na iskwalado ang ginagawang proyekto
  • Katam
    Isang kasangkapang ginagamit upang ang kahoy ay mapakinis
  • Lagari
    Pamutol at pangtistis ng Kahoy
  • Pait
    kasangkapang pangbutas ng kahoy pahaba o parisukat
  • Martilyo
    Pangbaon at pangbunot ng pako sa kahoy
  • Barena
    Pambutas sa kahoy na pabilog na may iba't ibang diyametro
  • Granil
    Ginagamit sa pagmamarka sa kahoy na paayon sa gilid nito
  • Mga Kagamitan sa Gawaing Kawayan
    • Metro
    • Lagari
    • Papel de liha
    • Gulok
  • Metro
    Panukat sa paggawa ng mga gawaing pang-industriya
  • Lagari
    Pamutol at pangtistis sa kawayan
  • Papel de liha
    Panlinis at pampakinis sa kawayan
  • Gulok
    Pantanggal ng buko, pamutol at panghati ng kawayan
  • Mga Kagamitan sa Gawaing Metal
    • Gunting pangyero
    • Lagaring Pambakal
    • Kikil
    • Martilyo de bola
    • Brad awl
  • Gunting pangyero
    Ginagamit sa paghahati ng mga maninipis na piyesa ng metal
  • Lagaring Pambakal
    Pamutol ng mga kabilya at mga bara ng bakal
  • Kikil
    Pangkinis sa mga gilid ng mga proyektong yari sa bakal
  • Martilyo de bola
    Martilyong ginagamit sa pagkakabit ng rematse, pagpapakulob at pagpapaumbok sa mga proyektong yari sa metal
  • Brad awl
    Pangmarka sa mga proyektong yari sa metal
  • Dibayder
    Kasangkapang hawig sa compass sa ginagamit sa paghahati-hati ng maraming magkakasukat ng sukat ng isang mahabang distansya
  • Mga Kagamitan sa Gawaing Elektrisidad
    • Plais
    • Disturnilyador
    • Tester
  • Plais
    Ginagamit sa pagputol ng kawad ng kuryente at pangpilipit ng mga dugtungan ng kawad. Ang plais ay dapat nababalutan ang hawakan ng goma o anumang material na hindi tinatagusan ng kuryente upang maiwasan ang aksidente o sakuna
  • Disturnilyador
    Ginagamit upang mapaikot at mapalubog ang mga turnilyo sa mga materyales na gagamitin sa pagkukumpuni
  • Tester

    Ito ay kasangkapang ginagamit sa pagsubok kung ang isang bagay ay may dumadaloy na kuryente o wala