FILIPINO 101

Cards (103)

  • Kultura
    • Paraan upang makita ang biyolohikal na pangangailangan ng grupo para mabuhay
    • Nagbibigay sa isang indibidwal na kasapi ng grupo na mag-adjust o makibagay sa sitwasyon ng kapaligiran
    • Nagiging tsanel upang makapag-interak ang bawat myembro ng isang pangkat at maiwasan ang anumang alitan
  • Universal pattern of culture
    Iba-iba ang kultura ng bawat lugar ngunit may mga kulturang komon at makikita sa lahat ng pangkat sa bawat lipunan
  • Halimbawa ng universal pattern of culture
    • Lahat ng ginagawa kaugnay sa wet rice agriculture sa Pilipinas
  • Si Winsker na isang Amerikanong antropolohista ang unang nagbigay ng pakahulugan sa universal pattern of culture
  • Mga elemento ng universal pattern of culture
    • Wika at pananalita
    • Materyal na Kultura (Food habits/Kinasanayang pag-uugali sa pagkain, Pamamahay, Transportasyon, Kagamitan, Pananamit Sandata o weapon, Trabaho at Industriya)
  • Alternatibo
    Mga kaugaliang hindi sinusunod ng isang lipunan
  • Mga halimbawa ng alternatibo
    • Pagpili ng relihiyon, Paraan ng pagbiyahe, Paraan ng pagkain, Pag-aasawa
  • Noble Savage
    Tanggap niya kung ano siya. Hindi niya ikinahihiya kung ano siya
  • Ethnocentrism
    Paniniwala na ang kanilang kultura ay tama at nakahihigit sa ibang kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi dapat gayahin
  • Cultural Relativity
    Pag-unawa sa ibang kultura. Tinitignan ang lahat ng kultura bilang pantay-pantay, walang superyor at imperyor
  • Xenocentrism
    Ang mga banyagang tao, lugar, at bagay ay magaganda at ang lokal o sariling kanya ay pangit. Pagmamahal ito sa imported na bagay
  • Polychronic
    May mga taong gumagawa ng isang bagay o gawain nang sabay-sabay
  • Monochronic
    Ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho. Naniniwala sila na bawat trabaho ay may oras
  • Individualist
    Sarili lang ang iniisip at mahalaga para sa isang tao. Wala siyang pakialam sa damdamin ng iba
  • Collectivist
    Iniisip ng isang tao ang kapakanan at pag-uunawaan ng lahat. Mahalaga sa kanya ang damdamin ng iba
  • Allocentric
    Iniisip ng isang tao na mahalaga para sa kanya ang iba
  • Idiocentric
    Nagsasabi na sarili lamang ng isang tao ang mahalaga
  • May mga katanungan marahil ang ilan sa pag-usbong ng iba't ibang grupo o pangkat na may natatanging pinapaniwalaan na iba sa karaniwang mga samahan o pangkat na kilala na sa buong Pilipinas
  • Mga Rizalian
    Isang samahan sa Lungsod ng Dapitan na tagasunod at naniniwala na si Dr. Jose Rizal ay isang Diyos. May bagong kulturang umusbong sa likod ng samahan mayroon sila na nakasuporta sa interpretasyon nila sa Bibliya
  • May sarili silang bersyon ng kasaysayan ng buhay ni Rizal na hindi sinabi sa mga aklat
  • Nang nabubuhay pa si Rizal, isa ang lungsod ng Dapitan sa Mindanao sa kanyang naging tahanan sa loob ng apat na taon bago siya ipinadala sa Maynila para hatulan ng kamatayan noong 1896
  • Dahil tatlong araw matapos siyang ibigay ng kanyang ina kay Don Francisco, pagbukas nila ng lampin ay may pangalan na itong Jose Protacio Rizal
  • Noong dalawang taong gulang pa lamang si Rizal ay marunong na itong magbasa
  • Tatlong propesiya ni Rizal
    • Mapalaya ang nakulong niyang ina
    • Gumawa siya ng rebulto ng sarili niyang imahen na nagpapahiwatig na sa hinaharap ang lahat ng bayan sa Pilipinas ay gagawa ng kanyang imahe o rebulto para kilalanin ang kanyang pangalan
    • Tinawag niyang Philippines in Century Hills o ang Pilipinas sa ikasandaang taon
  • Naging guro siya ng mga bata at naging doktor sa lahat ng maysakit
  • Isa sa kanyang inoperahan ay ang ama ni Josephine Bracken na naging kabiyak niya sa buhay at kinasama sa Dapitan
  • Noong 1952, isang taga-Lungsod ng Dapitan na pinangalanang Filemon O. Reambonanza ang minsang dinalaw ni Rizal sa panaginip
  • Noong 1970 nangyari ulit ang panaginip at dito na sinabi sa kanya ni Rizal na ang Espiritu ng Panginoon ay nasa kanya at inatasan niyang si Felimon ang magbahagi ng magandang balita sa mga tao at sabihing si Rizal ang Panginoon
  • Hulyo 27, 1975 nang sinimulan niya ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa mga kasamahang panday at sinulat niya ang lahat na binigay sa kanyang karunungan
  • Agosto 5, 1975, tumigil siya sa pagtatrabaho at pumunta sa Maynila para makilala ang mga nananampalataya kay Rizal na "Watawat ng Lahi"
  • Bago niya binuo ang kanilang samahan ay marami na ang kapareho nila ng paniniwala paniniwalang panginoon si Jose Rizal ng mga taga-Maynila na kilala sa tawag na "Watawat ng lahi" at pinamumunuan ni Arcêño de Guzman noong binuo niya ang grupo noong 1914
  • Sinabi ni Jose Rizal na siya ang Diyos at inatasan si de Guzman na bumuo ng sekta na mananampalataya sa kanya
  • Napili si Filemon na pasukan ng espiritu at nanirahan sa parke sa Dapitan
  • Naniwala sila na si Hesus at si Rizal ay iisa lamang sapagkat pumasok ang espirito kay Rizal
  • Sinasabing sa simula pa lamang ng daigdig, nang nabubuhay pa si Adan at Eba, ang Balaang Espiritu ay nasa sa kanila na
  • Pagkatapos kay Adan, ang mga sumunod na lalaki sa Bibliya ay pinasukan din ng Espirtu: si Abraham, ang kilala na Father of All Nations; si Noah na gumawa ng arko; at si Hesus, ang huling pinasukan ng Espiritu na isinaad sa Bibliya bilang anak ng Diyos at siya ang ikaanimnapu na pinasukan ng Espiritu
  • Nang umakyat na sa langit ang espiritu ni Hesukristo, sinasabing lumilipat na sa mga maimpluwensyang tao sa mundo ang Espiritu ng Panginoon sa loob ng labimpitong taon matapos mamatay ang taong huling pinasukan ng espiritu
  • Ilan sa mga pinasukan si Tiberius Claudius Caesar Augustus Germanicus, si Haring Humabon ng Cebu, at si Jose Rizal na pandalawamputpitong tao na pinasukan ng espiritu
  • Taong 1982 nang magsimulang dumami ang mga tagasunod ni Filemon sa Dapitan at patuloy itong dumarami hanggang taong 1992
  • Sa taong 1992 naaprubahan sa Maynila ang kanilang samahan bilang isang organisasyon na makikita sa Mindanao na may seksyon na CN201410709 at pinangalanan nilang Kingdom of God ang mas kilalang Rizalista o Rizalian