Mga Salik na Nagbigay Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

Cards (21)

  • Ang La Ilustracion (Age of Enlightenment)

    Mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas at pag-iisip at pamumuhay
  • Ang La Ilustracion (Age of Enlightenment)
    1. Pagpapaunlad ng pamahalaan
    2. Pagpapaunlad ng impraestraktura
    3. Pagpapaunlad ng mga institusyon ng lipunan
  • Malaki ang naging epekto ng La Ilustracion sa naging kolonyal na patakaran ng mga Espanyol sa Pilipinas
  • Enlightenment

    Isang kilusang intelektuwal na umunlad sa Europa noong ika-18 siglo bunga ng pagtatangkang kumawala sa Middle ages, o ang panahon ng pamamayani ng pamahiin bulag na pananampalataya at kawalan ng rason
  • Partikular na tinuligsa ng Enlightenment ang mga itinuturing na konserbatibong kaisipan na nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga imperyo (at kaakibat sa kolonya)
  • Partikular na tinuligsa ng Enlightenment ang pagiging makapangyarihan ng simbahang katolika (at kaakibat ng monopolyo ng karunungan)
  • La Ilustracion

    Mga modernong kaisipan sa mga aspekto ng pamahalaan, demokrasya, edukasyon, ekonomiya, sining, at panitikan
  • Karamihan sa mga kaisipang ito ay ginagamit at pinakikinabangan pa rin ng daigdig hanggang sa kasalukuyan
  • Pinakamahalagang impluwensiya ng Enlightenment

    Masasalamin sa mga rebolusyong political na sumiklab tulad ng French Revolution ng 1789 at ang American Revolution ng 1775-1783
  • French Revolution

    • Itinataguyod ang konsepto ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran
    • Pinabagsak ang monarkiyang nagsasamantala sa mga mamamayan
  • American Revolution

    • Pagtutol sa mga buwis at regulasyon sa mga kalakalang ipinatupad ng mga British
    • Ipaglaban ang kasarinlan at itaguyod ang karapatang konstitusyunal
  • Ang Cadiz Constitustion ng 1812

    Nilikha bunga ng hangarin ng Spain na wakasan ang mga pang-aabusong dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa
  • Ang Cadiz Constitution ng 1812

    • Binigyang halaga ang mga ideyang liberal
    • Karapatan ng pagboto ng mga kalalakihan
    • Pambansang soberanya at monarkiyang konstitusyonal
    • Kalayaan sa pamamahayag
    • Reporma sa lupa
    • Malayang kalakalan
  • Bago maipasa ang nasabing Konstitusyon
    1. Nagkaroon ng eleksiyon sa Maynila upang piliin ang kinatawang Pilipinong ipapadala sa Cadiz
    2. Si Ventura Delos Reyes, Isang mayamang Pilipino ang nahalal bilang kinatawan
  • Hindi man nagtagumpay ang tangkang ipatupad sa Pilipinas
  • Nagkaroon ito ng epekto sa pamamahala ng Spain sa Pilipinas
  • Epekto sa pamamahala ng Spain sa Pilipinas
    1. Ipinatigil ang kalakalang galyon
    2. Napalitan ang Merkantilismo ng malayang kalakalan
    3. Pagsiklab ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela ng pagpapatupad ng konstitusyon sa Pilipinas noong 1815
    4. Paglaganap ng mga makabagong kamalayang bunga ng Enlightenment sa Europe lalo na sa hanay ng mga Pilipinong kabilang sa panggitnang-uri
  • Pinukaw ang La Ilustracion at Cadiz Constitution ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kanilang mga karapatang dapat tinatamasa sa buhay
  • Nakatulong din ang mga ito upang mapagtanto ng mga Pilipino na may pagkakataon sana silang mamuhay nang maginhawa
  • Ito ay kung magwawakas ang pang-aabuso sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga karapatan
  • Merkantilismo 

    Tunay na sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay ang dami ng mahalagang metal lalo na ang ginto at pilak na pagmamay-ari nito