Bugtong na anak ni Don Rafael Ibarra, nagkaroon ng mabuting edukasyon sa Europa, matalino at maginoong binata, nagmahal kay Maria Clara, nangarap makapagpatayo ng paaralan, sumasimbolo kay Jose Rizal
Maria Clara
Kasintahan ni Crisostomo Ibarra, may lihim na pagkatao, ipinakikita ang magandang karakter ng mga Pilipina, sumasimbolo kay Leonor Rivera
Elias
Piloto (bangkero), iniligtas si Ibarra, nagpapakita ng ibang katangian ni Rizal
Don Rafael Ibarra
Isa sa pinakamayaman sa San Diego, ama ni Crisostomo Ibarra, kinainggitan ni Padre Damaso, pinaratangan na erehe at pilibustero, namatay sa bilangguan, simbolo ng Pilipinas na kinainggitan at sinakop ng mga dayuhan
Don Saturnino
Nuno ni Ibarra, naging dahilan ng kasawian ni Elias, mayamang magsasaka na kinagigiliwan ng lahat dahil sa kaniyang kabutihan
Don Santiago delos Santos
Kilala sa tawag na Kapitan Tiyago, mangangalakal na taga-Binondok (Binondo), isa sa mayayaman sa lugar na ito, nakagisnang ama ni Maria Clara, sumasimbolo sa mga taong takot at walang paninindigan sa sarili
Pia Alba
Anak ni Maria Clara na namatay pagkatapos na siya ay isilang. Kumakatawan sa ating bansa na madaling nangayupapa sa kapangyarihan ng dayuhan.
PadreVardolagasDamaso
Isang kurang Pransiskano na matagal naglingkod bilang kura (pari) sa San Diego. Mapanghusga sa kapuwa. Itinuring na kaibigan ni Don Rafael Ibarra subalit ipinahukay at ipinalipat niya sa libingan ng mga Intsik ang bangkay nito. Nagpayo kay Pia Alba at Kapitan Tiyago na magsayaw sa Obando upang magdalang-tao. Sumasagisag sa Separation of Church and the State.
Padre Bernardo Salvi
Pumalit kay Padre Damaso bilang kura ng San Diego. Nagkaroon siya ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Sumasagisag sa mga Kastilang prayleng nang-aabuso sa kanilang kapangyarihan.
TiyaIsabel
Pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong upang mapalaki si Maria Clara.
Don Anastacio
Kung tawagin siya ay Pilosopo Tasyo sapagkat marami siyang alam subalit baliw ang tingin ng karamihan dahil sa hindi karaniwan niyang paniniwala. Sumisimbolo sa mga marunong sa buhay. Siya ang nilalapitan ni Ibarra tuwing ito ay hihingi ng payo para sa mga balakin nito.
Sisa
Mapagmahal na ina subalit nagkaroon ng asawang pabaya at malupit. Sumisimbolo sa pagmamahal ni Teodora sa kaniyang mga anak at nagpapakita ng pang-aabuso ng mga Kastila sa kababaihan sa Pilipinas. Nagsisilbi siyang huwarang ina sa iba.
Pedro
Sugarol at malupit na asawa ni Sisa; ang kaniyang kalupitan ay ginagawa rin sa mga anak
Basilio at Crispin
Mga anak ni Sisa; kapuwa sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego; mababait at masisipag na anak; si Basilio ang mas matanda sa dalawa; napagbintangan silang nagnakaw ng onsang ginto; ito ang dahilan ng pagkasugat sa puso ng kanilang ina; sumisimbolo sa kalupitan ng mga makapangyarihan
Alperes
Pinuno ng mga guwardiya sibil at matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego; itinuturing na Hari ng Italya sa San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado ng Simbahan; walang pakialam at malupit sa kaniyang asawa
DonyaConsolacion
Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-uugali; hindi kagandahan ang kaniyang anyo; napangasawa niya ang alperes
KapitanHeneral
Siya ang pinakamakapangyarihan sa Pilipinas, isang taong makatarungan
TinyenteGuevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil
DonyaVictorinadeEspadaña
Siya ay isang babaeng itinatakwil ang pagiging Pilipina; nagpapanggap na mestisang Kastila kaya naman napakakapal ng kolorete sa mukha; sumisimbolo sa mga Pilipino na nagkakaila na sila ay kabilang sa lahing Pilipino
DonTiburciodeEspadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; siya ang napangasawa ni Donya Victorina; taong takot at sunod-sunuran sa asawa
Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio; siya ang napili ni Padre Damaso na ipakasal kay Maria Clara na sinang-ayunan naman ni Donya Victorina
NyorJuan
Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan ni Crisostomo Ibarra
Lucas
Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng panghugos upang mapatay si Ibarra
Bruno at Tarsilo Alasigan
Magkapatid na ang ama ay namatay sa pamamalo ng mga guwardiya sibil
Guro
Ang taong kinausap ni Ibarra upang malaman ang suliranin ng paaralan sa kaniyang bayan. Gurong nagsasawalang-kibo sa kalupitan at panghihimasok ng mga prayle
KapitanPablo
Pinuno ng mga tulisan na napamahal nang labis kay Elias. Itinuring siyang ama ni Elias