Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o pangyayari.
Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat.
Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano, paano, at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay sa iyong pagsulat ng replektibong sanaysay.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon
siguraduhing ito ay makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa
maaaring gumamit ng iba't ibang paraan sa pagsulat ng mahusay,
gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa.
Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuuan ng sanaysay.
Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.
Mga Hakbang [Katawan]
dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula.
Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa.
makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.
Mga Hakbang [Konklusiyon]
muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.
Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na a sila man magnilay sa kanilang buha buhay hinggil Isa iyong natutuhan o kaya naman ay mag- iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.
TANDAAN
ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot na maaaring makapagdulot ng epekto o hindi sa lyong buhay o sa mga taong makababasa nito.