AP

Cards (32)

  • Bayanihan
    Ugaling Filipino na nagmula sa salitang "bayan" na ang literal na ibig sabihin ay "maging kasapi sa iisang pamayanan", na tumutukoy sa diwa ng pakikipag-isa sa komunal, trabaho at pakikipagtulungan upang makamit ang isang partikular na layunin sa komunidad
  • Ang Bayanihan ay isang magandang halimbawa ng pagiging isang aktibong mamamayan
  • Pagkamamamayan
    Nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyemro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas
  • Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira ditto na maaring hindi kasapi nito
  • Saligang Batas ng 1987
    Pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat ditto ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan
  • Citizenship (pagkamamamayan)

    Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
  • Ang konsepto ng citizenship ay umusbong sa kabihasnang Griyego
  • Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan
  • Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin
  • Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis
  • Citizenship
    Ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado, tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin
  • Aktibong mamamayan
    Isang mahalagang elemento sa pag-unlad ng isang bayan o komunidad o bansa, nagsisilbing "kapangyarihan" ng pamahalaan sa ano mang aspekto ng buhay sa bansa
  • Mga halimbawang gawain ng isang aktibong mamamayan
    • Makabayan
    • Makatao
    • Produktibo
    • Matatag
    • Matulungin sa Kapwa
    • Makasandaigdigan
    • Makadiyos
    • Makakalikasan
  • Ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino
  • Dalawang uri ng mamamayan
    • Likas o Katutubo - anak ng Pilipino, parehas mang magulang o isa lang.
  • Mga prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino
    • Jus Sanguinis - Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang
  • Ang pagiging aktibong mamamayan ay nagpapakalap ng pagmamahal sa kapwa na nagiging instrument sa kapayapaang pandaigdig
  • Ang pagiging aktibong mamamayan naglalayong mapangalagaan ang ating kapaligiran at ang mga may buhay na nakatira dito
  • Likas o Katutubo
    Anak ng Pilipino, parehas mang magulang o isa lang
  • Naturalisado
    Dating dayuhan na naging mamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon
  • Jus Sanguinis
    • Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang
  • Jus Soli
    • Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak
  • Naturalisasyon
    Isang legal na paran kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte
  • Maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa
  • Dual Citizenship
    Nangangahulugan na ikaw ay kinikilala at pinoprotektahan ng dalawang bansa
  • Ang taong may dual citizen ay dapat sumunod sa mga batas ng dalawang bansa, kabilang ang mga batas tungkol sa pagbabayad ng buwis sa mga bansang iyon
  • Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan
  • Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat
  • Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito
    • Naturalisado - dating dayuhan na naging mamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon
  • Mga katangian ng isang mabuting mamamayan
    • Makabayan
    • May pagmamahal sa kapwa
    • May respeto sa karapatang pantao
    • May pagpupunyagi sa mga bayani
    • Gagampanin ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan
    • May disiplina sa sarili
    • May kritikal at malikhaing pag-iisip
  • Mga halimbawang gawain ng isang aktibong mamamayan
    • Makabayan
    • Makatao
    • Produktibo
    • Matatag
    • Matulungin sa Kapwa
    • Makasandaigdigan
    • Makadiyos
    • Makakalikasan