Tauhan

Cards (38)

  • Binatang kasintahan ni Maria Clara na may makabagong kaisipan at nagnanais na makapagtayo ng akademya upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Nag-iisang anak ni Don Rafael Ibarra. Itinuturing na eskumulgado at idinawit sa naganap na pag-aalsa. Siya ang kumakatawan kay Dr. Jose P. Rizal at sa mga Pilipinong may pinag-aralan na ang pangarap ay paunlarin ang bayan at pumukaw sa mga taong huwag maging mangmang at matutong lumaban sa mga nang-aapi. - Don Crisostomo Magsalin Ibarra
  • Maria Clara - Maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento. Siya ay larawan din ng isang mayuming Pilipina na nagtataglay ng mabubuting kaasalan at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Sa totoong buhay siya ay kumakatawan kay Leonor Rivera. Mahalaga siya sapagkat siya'y larawan o imahe ng ating Inang Bayan sa nobela.
  • Bangkerong may modernong kaisipan at magsasaka na maginoo, hindi mapaghiganti, iniisip ang kapakanan ng nakararami, may pambihirang tibay ng loob. Mahalaga siya sa nobela sapagkat siya ang nag-abiso kay Crisostomo na may kaguluhang magaganap na kung saan ang binata ang pagbibintangan kaya niya ito pinatakas at tanging siya lamang ang tumulong sa binata at isinakripisyo ang sarili para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo Ibarra. - Elias
  • Taglay ang katangian ni Dr. Jose P. Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid, tagapayo ng marurunong sa San Diego at may kaisipang una kaysa sa kanyang panahon kaya hindi maunawaan ng nakararami. Mahalaga siya dahil siya'y naging simbolo ng karunungan sa akda at kumakatawan kay Paciano na kapatid ni Rizal Padre Damaso Kurang. - Pilisopo Tasyo
  • Kurang Pransiskano na masalita, magaspang kumilos at dating kura ng San Diego na nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal. Siya ay tunay na ama ni Maria Clara na naging mortal na kalaban ni Crisostomo sa buong nobela. Siya'y kumakatawan sa mga arogante at abusadong prayle sa panahon ni Rizal - Padre Damaso
  • Don Santiago "Kapitan Tiyago" delos Santos - Kinikilalang ama ni Maria Clara, sakim, pinapanginoon ang salapi at maya-mang mangangalakal na taga-Binondo, asawa ni Donya Pia. Mapagpanggap at sunod-sunuran sa nakatataas sa kanya. Sinisimbolo niya ang mga mayayamang Pilipino at ang pagiging malapit sa Diyos.
  • Don Rafael Ibarra -Pinakamayamang kapitalista sa San Diego na ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilagguan at labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahil sa yamang taglay niya kaya pinaratangan siyang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapuwa at naging kahanga-hanga ang paggalang at pag-titiwala sa batas at imunhi sa mga lumabag dito.
  • Sisa - Martir at mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Mahalaga siya sapagkat sa kanyang katauhan itunuro sa kababaihan na hindi dapat umuoo nang umuoo sa lahat ng sasabihin ng kalalakihan dahil mayroon din silang karapatan. Sa kanyang karakter din ipinaunawa kung ano ang gagawin upang tuluyang lumaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga mapang-abuso. Sinisimbolo niya ang pagmamahal ni Teodora na ina ni Rizal
  • Padre Bernardo Salvi - Payat, maputla, tahimik at mukhang sakitin na maituturing na tuso, mapagpanggap at hayok sa pagnanasa. Nagawa niyang malaman ang lihim ng maraming tao sa bayan ng San Diego kabilang na ang kurang kanyang pinalitan sa bayan ng San Diego na si Padre Damaso kung ano ang totoong relasyon nito bilang tunay na ama ni Maria Clara at may labis na paghanga at pagnanasa sa dalaga kaya gumawa siya ng paraan upang masira ang reputasyon ni Crisostomo.
  • Padre Bernardo Salvi -Siya ang nagorganisa ng rebelyon laban sa mga guwardiya sibil at pinaniwala ang mga kinauukulan na si Crisotomo ang nasa likod nito. Siya ay kilala bilang isang mapaglinlang na pari na ginamit ang kanyang posisyon sa lipunan upang mapalakas ang kanyang impluwensiya sa buong bayan. Sinisimbolo niya ang mga prayleng mapang abuso gamit ang kapangyarihan.
  • Padre Hernando Sibyla - Dating guro ni Crisostomo Ibarra na kung saan ang binata ang isa sa mga paborito nitong mag-aaral. Siya ay matulungin at tunay na kaibigan ni Padre Damaso sapagkat tinutulungan niya ito sa kinakaharap nitong anomalya. Siya rin ay Paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra at may lihim na pagtingin sa kasintahan ng binata.
  • Basilio - Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Siya ay mapagmahal na anak at kapatid, matapang, puno ng pangarap, masipag, malakas ang loob, matalino. Mahalaga ang tauhang kanyang ginagampanan sapagkat sinisimbolo niya ang kabataang Pilipino na sa kanyang murang edad ay hindi pabayang anak at tumulong sa mga magulang upang maibsan ang kahirapan sa buhay at sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan.
  • Crispin - Masipag at matulunging bunsong kapatid ni Basilio na sa murang edad nagtrabaho sa simbahan bilang sakristan at kasama rin niyang tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego para makatulong sa kanilang ina. Sinisimbolo rin niya ang walang malay at inosente sa lipunan.
  • Alperes - Pinuno ng mga guwardiya sibil na mapagbalat- kayo, mapanlait, laging nagmumura, maanakit at mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. Sinisimbolo niya ang kalupitan ng mga opisyal na kolonyal na siyang naranasan ni Rizal sa kanyang kabataan.
  • Donya Consolacion - Dating labandera malaswa kung magsalita at asawa ng alperes. Kumakatawan sa mga palabang puta o mga kalapating mababa ang lipad.
  • Donya Victorina "de los Reyes" de Espadana - Babaeng punumpuno ng kolorete sa mukha, nagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol pero Pilipinang-pilipina. Hango sa katauhan ni Donya Agustina, isang mayamang panginoong may lupa. Sinisimbolo niya ang mga taong magaling magbalat-kayo upang maturingan na perpekto sa harap ng paningin ng mga tao.
  • Don Tiburcio de Espadana - Pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas upang maghanap ng magandang kapalaran at naging asawa ni Donya Victorina. Sinasagisag niya ang taong walang paninindigan.
  • Alfonso Linares - Malayong pamangkin ni Don Tiburcio na napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Nagtapos ng abogasya sa Espanya at itinuturing na pinakamatalino sa angkan ng mga De Espadana.
  • Tiya Isabel - Isang tipikal na tao sa San Diego na hipag ni Kapitan Tiyago. Siya ay mapagmahal, malalahanin may maamong mukha, pasensyosa at mapag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang
  • Donya Pia Alba delos Santos - Ina ni Maria Clara na maganda, matalino, masipag, madasalin, mahinhin at may bahay ni Kapitan Tiyago na hindi madaling makuntento sa estado ng pamumuhay kaya hinangad niya na magpayaman at nagtagumpay naman siya sa tulong na rin ng kanyang kabiyak. Naging mabuting kaibigan nina Padre Damaso at Don Rafael Ibarra. Hindi nagkaanak sa loob ng anim na taong pagsasama nila ni Kapitan Tiyago at namatay pagkatapos maisilang si Maria Clara. Kumakatawan sa mga Pilipinang inaabuso ng mga prayle ngunit hindi lumalaban dahil sa kahihiyang sinapit nito.
  • Tenyente Guevarra - Kakaiba siya sa mga guwardiya sibil dahil siya ay mabait, may mababang-loob, matapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra na tanging tumulong sa kanya para malinis ang kanyang pagkatao at mapalaya sa piitan. Siya ang nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng ama nito.
  • Kapitan Heneral -
    Pinakamakapangyarihang opisyal may makataong pamumuno sapagkat minarapat niyang magkaroon ng pantay na katarungan para sa lahat. Kinakatawan niya ang Hari ng Espanya sa Pilipinas at tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis ang pagka-ekskumulgado nito.
  • Kapitan Basilio - Mayaman, arogante at kaibigang matalik ni Kapitan Tiyago na naging Kapitan ng bayan sa San Diego na asawa ni Kapitana Tika. Siya ang karibal ng namayapang ama ni Crisostomo na kung saan nagkalaban sila sa isang usapin tungkol sa lupa.
  • Don Filipo Lino - Tenyente Mayor na sunod-sunuran sa mga Kastila, kaibigan ni Pilosopo Tasyo at sangkot sa paghihimagsik na ibinintang kay Crisostomo. Siya'y asawa ni Donya Teodora Vina na mahilig magbasa ng latin at ama ni Sinang. Siya ay kumakatawan kay Kapitan Hilario Sunico na isang Pilipinong nagpasakop sa mga Espanyol at walang sariling desisyon.
  • Lucas - Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra at humingi ng danyos sa nangyari ngunit itinaboy at sumapi sa mga tulisan.
  • Don Saturnino Ibarra - Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.
  • Don Pedro Ibarra - Nuno ni Crisostomo Ibarra.
  • Kapitan Maria - Ina ng kambal na nabilanggo kasama ni Crisostomo. Tanging babaeng makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama at buo ang loob upang harapin nang buong tapang ang kapalaran ng kanyang mga anak.
  • Nol Juan - Tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan.
  • Kapitan Pablo - Pinuno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.
  • Salome - Simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan at babaeng natatangi sa puso ni Elias.
  • Andeng - Mahusay magluto na kinakapatid ni Maria Clara.
  • Neneng - Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara.
  • Sinang - Masayahing kaibigan ni Maria Clara at anak ni Kapitan Basilio.
  • Victoria - Tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino.
  • Iday - Magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa.
  • Albino - Dating seminaristang nakasama sa piknik at kasintahan ni Victoria.
  • Leon - Kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad.