LARANG

Cards (9)

  • Posisyong Papel
    Nagpapahayag ng argumento o punto-de-bista na may layuning pasubalian ang naunang posisyon. Gumagamit ng pangangatwiran kung saan ang isang diskursong naglalayong mapatunayan ang katotohan ng ipinapahayag ay pinaniniwalaan at ipatanggap sa nakikinig o bumabasa ang katotohanang iyon.
  • Ang posisyong papel ay naglalayong maipakita ang katotohan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami, depende sa persepsyon ng mga tao
  • Mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel
    1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso
    2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa (may sapat na ebidensyang makakalap)
    3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
    4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
    5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya
    6. Buuin ang balangkas ng posisyong papel
  • Dalawang uri ng ebidensya sa pangangatwiran
    • May katunayan (Facts)
    • Mga opinyon
  • Pormal o Balangkas ng Proposisyong Papel
    • Panimula
    • Paglalahad ng counterargument o mga argumentong tumututol o kumokontra sa iyong tesis
    • Paglalahad ng iyong posisyon o pangangatwiran tungkol sa isyu
    • Konklusyon
  • Replektibong Sanaysay
    Isang tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw at damdamin, hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
  • Mga paksang maaaring gawaan ng replektibong sanaysay
    • Librong katatapos lamang basahin
    • Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
    • Pagsali sa isang pansibikong gawain
    • Praktikum tungkol sa isang kurso
    • Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
    • Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
    • Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa west Philippine sea
    • Paglutas sa isang mabigat na suliranin
    • Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay
    • Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay
    • Isulat ito gamit ang unang panauhan ng Panghalip
    • Tandaan na bagamat nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkasulat
    • Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito
    • Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito
    • Gawaing malinaw at madaling maunawaan ang gagawaing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa
    • Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksyon, katawan, at konklusyon
    • Gawaing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata
  • Pormat o Balangkas ng Replektibong sanaysay
    • Introduksyon o simula
    • Katawan
    • Wakas o konklusyon