KOMPAN

Cards (30)

  • Unang Wika
    Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue
  • Monolingguwalismo
    Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa
  • Bilingguwalismo
    Ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang (2) wika na tila ba ang mga ito ay kanyang katutubong wika
  • Multilingguwalismo
    Marami at salitang lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay "maraming salita"
  • Dayalek
    Barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan
  • Idyolek
    Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat tao
  • Sosyolek
    Barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika
  • Pidgin
    Pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na "nobody's native language" o katutubong wikang di pag-aari ninuman
  • Creole
    Pinag halo halo na wika ng idibidual mula sa ibang lugar hanggang sa maging wika ng partikular na lugar
  • Register
    Barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap
  • Tungkulin ng wika
    • Instrumental
    • Regulatoryo
    • Interaksiyonal
    • Personal
    • Heuristiko
    • Impormatibo
  • Tunay na Negrito namalagi sa kinamihasnan nilang tirahan
  • Ang mga tunay na Negrito noon ay hindi nakapangasawa ng ibang lahi at naninirahan sa kabundukan at kagubatan ng Bataan at Zambales at sa silangang bulubundukin ng dakong Hilaga ng Luzon mula sa Cabo Engano hanggang sa Baler
  • May iba ring naninirahan sa Rizal, Bulakan, Pampanga, Tarlac, Laguna, at iba pa
  • Austrolidad-Sakai
    Taga Australia at Ainu Hilagang Hapon
  • Indones
    Nagbuhat sa timog-Silangang Asya sakay ng mga Bangka. Higit ang kabihasnan ng mga ito kaysa sa mga Negrito. Sila ang mga Ibanag, Kalinga, at Apayao sa kahilagaang Luzon
  • Malayo
    Sakay sila ng bangkang tinawag na balangay. Sila ay matatagpuan sa kaloob-loobang hilagang Luzon at isla ng Mindanao. Marami sa kanila ang nanatiling pagano. Ang iba'y Mohamedano o naniniwala kay Allah, na naninirahan sa kapuluan ng Sulu, sa dakong Timog ng Palawan, at sa mga lalawigan ng Zamboanga, Cotabato, at Lanao
  • Baybayin
    Isang pamamaraang ginamit na sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino. Ito ay binubuo ng labimpitong titik-tatlong pantig at may labing-apat na katinig. Binibigkas ang katinig na may kasamang tunog na patinig na /a/. Ang baybayin ay gumagamit nga dalawang guhit na palihis // sa hulihan ng pangungusap
  • Layunin ng mga Espanyol na ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang Kristyanismo. Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang "barbariko, di sibilisado, at pagano" ang mga katutubo noon kaya't dapat lamang nilang gawing sibilisado ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya
  • Limang (5) Misyonerong Prayle
    • Agustino
    • Pransiskano
    • Dominikano
    • Heswita
    • Rekoleto
  • Matapos ang mahigit 300 taong pananakop ng mga Espanyol, namulat ang mga mamamayang Pilipino sa kaapihang kanilang dinaranas. Sa panahong ito, maraming Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Ang wikang Tagalog ang ginamit nilang kautusan at pahayagan
  • Matapos ang kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Lalong nagbago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdagan ang wikang Ingles na angkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino
  • 3R's
    Reading, Writing, Arithmetic
  • Dahilan ng pagtataguyod ng paggamit ng Ingles
    • Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magreresulta sa suliraning administratibo
    • Ang paggamit ng iba't ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyunalismo sa halip na nasyonalismo
    • Hindi magandang pakinggan ang magkahalong Ingles at Bernakular
    • Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyng pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang pambansa
    • Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa
    • Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal
    • Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham
    • Yamang nandito na ang mga Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito
  • Dahilan ng pagtataguyod ng paggamit ng Bernakular
    • Walumpung porsiyento (80%) ng mag-aaral ang nakaabot ng ikalimang grado
    • Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primarya
    • Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog ito sapagkat isang (1) porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles
    • Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi naman natututo ang mga mag-aaral kung paano nila malulutas ang problemang kahaharapin nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay
    • Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo
    • Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay na para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular
    • Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino
    • Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan lamang na ito ay pasiglahin
  • Noong panahon ng mga Hapones, nagkaroon ng paglusong ang wikang pambansa. Sa pagnanais na mabura ang anumang impluwensya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino
  • Ang wikang pambansa ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika
  • Ukol sa mga layunin ng komisyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles
  • Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila
  • Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyong wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehyon at mga sisiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili