Uri ng korespondensiyang liham

Cards (3)

  • Di Pormal na Liham

    Karaniwang isinusulat para sa mga kaibigan, kamag-anak, at malalapit na kakilala. Hindi kinakailangang tumugon sa tuntunin ng pagsulat na humihingi ng estriktong pagsunod sa anyo at pananalita. Ang tanging ninanais na mabigyang-halaga ay makapagpahayag ng damdamin, masabi ang nais sabihin o makipagtalastasan. Bagama't gumagamit ng di pormal na wika ay hinihiling na iwasan ang labis na kasidhian sa paggamit ng balbal na salita o kaya ay ang mga nauusong wikang di katanggap-tanggap sa akademiya.
  • Pormal na Liham

    Pakikipagtalastasan at pagpapahayag ang karaniwang layunin. Karaniwang ginagamit sa paghahanap ng tanggapang mapapasukan at sa iba pang uri ng pakikipagkalakalan. Humihingi ito ng pormal na wika na katanggap-tanggap sa akademiya na tiyak, maikli, at malinaw.
  • Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Liham-Pantanggapan
    • Sumulat nang tuwiran sa taong pagbibigyan sa pamamagitan ng mga salitang wasto ayon sa kanyang pananaw, kawilihan, gawi, at iba pa.
    • Isulat ang liham na magaan sa pakiramdam, sa sarili at sa babasa nito. Gayundin, isaalang-alang ang propesyon ng taong nais sulatan.
    • Gumamit ng wika na bagama't pormal ay simple upang madaling maunawaan. Iwasan ang mabulaklak na pananalita.
    • Isulat nang tuwiran ang impormasyong ibinibigay o katanungang inilalatag.
    • Kung tungkol sa paghanap ng trabaho ang pakay at nais namang higit na mapataas ang antas ng pagpapahayag sa liham o sulatin, maaaring isagawa ang sumusunod na tatlong mabubuting hakbang: Pangangalap ng Impormasyon, Pagkuha at Pagtatala ng Impormasyong Makatotohanan, Pag-aanalisa at Pagsasaayos ng Impormasyon, Isulat ang mensahe na ganap na may kaisahan at kalinawan kung kaya't nararapat na may kasanayan sa gramatika o balarila ang susulat, Pinal na Pagsulat.
    • Ipahayag ang kaisipan ng sulatin sa positibong paraan na maaaring maging daan upang ang saloobin ng sinulatan ay gumaan. Sa ganito ay maaaring pumayag, tumulong, magbigay-tiwala, magbigay ng katapatan at tagumpay. Maaari din namang maging negatibo ang daloy ng pananalita magresulta ng saloobing pagkatalo, di pagsang-ayon, paghihinala, at kawalang-ingat.