fil

Cards (22)

  • Francisco "Balagtas" Baltazar
    Isang kilalang Pilipinong makata at may-akda
  • Francisco "Balagtas" Baltazar
    • Kilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" o "Ama ng Balagtasan"
    • Itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kaniyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino
  • Bunso sa apat na anak nina Juana Dela Cruz (maybahay) at Juan Baltazar (panday)
  • Pagpapaaral kay Kiko
    1. Ipinadala siya ng kaniyang ina sa isang kamag-anak sa Tondo, Maynila
    2. Naging utusan ni Doña Trinidad
    3. Pinag-aral siya nito sa Colegio de San Jose
    4. Ang mga asignaturang pinag-aralan niya ay Gramatika, Latin, Kastila, Doctrina Christiana at Batas sa Canones
  • Pag-aaral ni Balagtas
    1. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran
    2. Ang kanyang mga asignaturang pinag-aralan ay Teolohiya, Humanidades at Pilosopiya
    3. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil
  • Jose Dela Cruz (Huseng sisiw)

    • Isang bantog na makata at mandudulang Tagalog sa Tondo
    • Natutong lumikha at bumigkas ng tula si Balagtas
  • Hindi tumulong si Jose dela Cruz sa pag-aayos ng tula dahil wala siyang dalang sisiw na ipambabayad
  • Pagkilala kay "Selya"
    1. Mula sa Tondo, lumipat ng Pandacan, Manila si Balagtas
    2. Dito niya nakilala si "Selya" o Maria Asuncion Rivera
    3. Naging magkasintahan sila
    4. Hindi sumang-ayon dito si Mariano "Nanong" Capule dahil nililigawan din niya si Selya
    5. Si Nanong ay nagmula sa mayaman at makapangyarihang pamilya kaya madali niyang naipakulong si Balagtas gamit ang mga hindi makatotohanang paratang (allegation)
    6. Dahil sa kabiguan ay naisulat niya sa bilangguan ang obrang "Florante at Laura"
  • Pagkakalaya at pagkakasal ni Balagtas
    1. Matapos makalaya, sa Udyong, Bataan nanirahan si Balagtas
    2. Doon niya nakilala si Juana Tiambeng
    3. Ikinasal siya sa edad na 54 at nagkaroon sila ng 11 na anak
  • Dahil may mataas na pinag-aralan si Balagtas ay nakakuha siya ng matataas na tungkulin sa Bataan, ito ay ang pagiging Tagapagsalin at Tinyente Mayor
  • Pagkakakulong muli ni Balagtas
    1. Nabilanggo muli dahil sa paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan
    2. Naubos ang kaniyang kayamanan sa paglaban sa kaso
  • Paglabas niya sa kulungan, pinagpatuloy pa rin niya ang pagsusulat hanggang siya ay bawian ng buhay noong Ika-20 ng Pebrero taong 1860 sa edad na 74
  • Francisco "Balagtas" Baltazar: 'Ang kanyang huling habilin ay naglalaman na ang kaniyang pagiging makata ay walang naidulot kung hindi hirap, sakit, dalita at tiisin sa buhay. Dahil dito ay mahigpit niyang pinagbilin na ang sinuman sa kaniyang anak ang humawak ng panulat at magtangkang manaludtod ay putulan ng daliri.'
  • Isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar ang obrang "Florante at Laura" (panahon ng pananakop ng Espanyol)
    1838
  • Sa panahong ito, ipinagbabawal ang mga babasahin o palabas na tumutuligsa sa kalupitan ng mga Espanyol kaya ang mga karaniwang babasahin noon ay patungkol sa relihiyon o sa paglalaban ng Moro at Kristiyano na tinatawag ding "komedya o moro-moro"
  • Naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang kaniyang awit at ginamit niya ang temang "Paglalaban ng mga Moro at Kristiyanismo" at naiugnay niya ito sa pagmamahalan ni Florante at Laura
  • Naitago niya ito sa pamamagitan ng mga alegorya at simbolismo
  • Mga mahahalagang-aral sa buhay mula sa Florante at Laura
    • Wastong pagpapalaki sa anak
    • Pagiging mabuting magulang
    • Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
    • Pag-iingat laban sa mga taong mapagkunwari at makasarili
    • Pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno dahil sa pinunong sakim at mapaghangad sa yaman
  • Namulat din ang ating mga bayaning si Jose Rizal at Apolinario Mabini dahil sa obrang ito
  • Pinaniniwalaang si Jose Rizal ang nagdala ng kopya ng Florante at Laura at naging daan ito upang isulat ang kanyang nobelang Noli Me Tangere
  • Maging si Apolinario Mabini, ang dakilang lumpo, ay sumipi sa pamamagitan ng kanyang sulat-kamay habang siya ay nasa Guam, USA
  • Francisco “Balagtas” Baltazar
    Isinilang noong ika-2 ng Abril taong 1788