Patakarang Pananalapi

Cards (39)

  • Patakarang Pananalapi
    May kinalaman sa pamamahala o pagkontrol sa suplay ng salapi upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at tiyakin na maging matatag ang buong ekonomiya
  • Patakarang Pananalapi
    Isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supplay ng salapi sa sirkulasyon
  • Mga Patakarang Pananalapi
    • Expansionary Monetary Policy
    • Contractionary Monetary Policy
  • Expansionary Monetary Policy
    Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong Negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary policy
  • Expansionary Monetary Policy
    Ibababa ng pamahalaan ang interest sa pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan ang mahihikyat na humiram ng pera upang idagdag sa kanilang Negosyo
  • Contractionary Monetary Policy
    Layunin nito na mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon
  • Contractionary Monetary Policy
    Sa pamamagitan nito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa pagbagal ng ekonomiya. Ang kalagayan ito ay ninanais ng pamahalaan upang mapababa ang inflasyon
  • Mga Sektor ng Pananalapi
    • Mga Institusyong Bangko
    • Mga Institusyon Di-Bangko
    • Mga Regulator
  • Mga Institusyong Bangko
    Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon at pamahalaan bilang deposito
  • Bangko
    Ito ay institusyong tagapamagitan sa mga tao o kompanyang kulang ang puhunan at sa mga sobra ang puhunan
  • Uri ng Bangko
    • Bangkong Komersiyal (Commercial Banks)
    • Bangko sa Pagtitipid (Thrift Banks)
    • Bangkong Rural (Rural Banks)
    • Espesyal na Bangko (Specialized Government Banks)
  • Bangkong Komersiyal o Commercial Banks
    Ito ang bangko na nakikipag-ugnay sa mga nag-iimpok at mga negosyante at kapitalista. Ito ay maaaring pag-aari ng Pribadong kompanya
  • Bangko sa Pagtitipid o Thrift Bank
    Ito ay tinatawag din na savings bank na humihikayat sa mga tao
  • Bangkong Rural o Rural Banks
    Mga bangko na naglalayong tulungan ang mga magsasaka upang magkaroon ng puhunan
  • Espesyal na Bangko o Specialized Government Banks
    Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan
  • Espesyal na Bangko o Specialized Government Banks
    • Land Bank of the Philippines (LBP)
    • Development Bank of the Philippines
    • Al Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-Amanah)
  • Institusyong Di-Bangko
    Maaaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga ito sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at muling binbalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang ito ay mapakinabangan
  • Institusyong Di-Bangko
    • Kooperatiba
    • Bahay-Sanglaan (Pawnshop)
    • Pension Funds
  • Kooperatiba
    Isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin. Para maging ganap na lehitimo ang mga kooperatiba, kailangan itong irehistro sa Cooperative Development Authority (CDA)
  • Bahay-Sanglaan (Pawnshop)

    Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko
  • Bahay-Sanglaan (Pawnshop)

    Ang mga indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng mahalagang ari-arian tulad ng alahas at kasangkapan kapalit ng salaping katumbas ng isinangla, kasama na ang interes
  • Pension Funds
    • PAG-IBIG FUNDS
    • Government Service Insurance System (GSIS)
    • Social Security System (SSS)
  • Pension Funds
    Itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito na magkaroon ng sariling bahay
  • Pension Funds
    Namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga mangagawa ng pamahalaan
  • Pension Funds
    Nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa mga pribadong industriya at kompanya
  • Registered Companies
    Ang mga rehistradong kompanya ay yaong mga kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at Palitan (Securities and Exchange Commission o SEC) matapos magsumite ng basic at additional documentary requirements, at magbayad ng filing fee
  • Registered Companies
    • Pre-Need
    • Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)
  • Pre-Need
    Ito ang mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng pre-need plans
  • Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)

    Ito ang mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng Negosyo ng seguro sa Pilipinas
  • Mga Regulator
    • Ang Bangko Sentral ng Pilipinas
    • Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
    • Securities and Exchange Commission (SEC)
    • Insurance Commission (IC)
  • Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

    Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, ang BSP ay itinalaga bilang central monetary authority ng bansa. Ito ang pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng bilihin at ng ating pananalapi
  • Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)

    Ang sangay ng pamahalaan na naatasang magbigay proteksiyon sa mga depositor at tumulong na mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa
  • Securities and Exchange Commission (SEC)

    Ang nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa. Nagbibigay ito ng mga impormasyon ukol sa pagbili ng mga panagot at bono. Nag-aatas din ito sa mga kompanya na magsumite ng kanilang anumang ulat
  • Insurance Commission (IC)

    Layunin ng IC na panatilihing matatag ang mga kompanyang nagseseguro ng buhay ng tao, kalusugan, mga ari-arian, kalikasan, at iba pa upang mabigyan ng sapat na proteksiyon ang publiko sa pamamagitan ng mabilisang pagtugon at pagbabayad ng kaukulang benepisyo at insurance claims ng mga ito
  • Ang patakarang pananalapi ay may layuning kontrolin ang suplay ng salapi sa sirkulasyon at ang antas ng interes upang mapanatiling matatag ang presyo. Sa pangunguna ng BSP, ang sistema sa pananalapi at pagbabangko ay maisasaayos para sa katuparan ng layuning mapanatili ang katatagan ng halaga ng piso at presyo
  • Halimbawa ng Commercial Banks ay ang BDO, Bank of the Philippine Islands, at RCBC
  • Ang halimbawa ng Thrift Banks ay ang All Bank
  • Ang halimbawa ng RURAL BANKS ay Agribank (Agribusiness Rural Bank)
  • Music of the Romantic Period and Opera