Filipino Kabanata 1

Cards (20)

  • Noli Me Tangere
    Nobelang isinulat ni Jose Rizal (1884)
  • Anagram
    • E J S O I R Z L A
    • I L O N E M E T A N R G E
    • A L T A L I A T A N S A
    • U T A A H N
    • G A P T A U N
  • Talasalitaan
    • Tenyente - Ranggo ng isang opisyal ng munisipyo
    • Kura paroko - pinakamataas na pari sa isang simbahan
    • Pampang - bahagi ng lupa na malapit sa ilog
    • Marangya - mayaman
    • Paisano - kababayan o sibilyan, sa salitang ingles ay peasant
    • Makipag-tagisan - makipag kompetensya
    • Kuro-kuro - hinuha
    • Pangungutya - Pagsasalita na may layuning maliitin o pag tawanan ang isang tao o bagay
    • Erehe - salungat o rebelde sa simbahan
    • Indio - katutubo sa pilipinas
  • Mga Tauhan
    • Don Santiago Delos Santos - Kilala sa tawag na Kapitan Santiago
    • Tiya Isabel - Pinsan ng kapitan
    • Tenyente Guevarra - Tenyente ng gwardiya sibil
    • Dr. Don Tiburcio de Espadana at Donya Victorina - Mag asawa
    • Padre Sibyla - Kura paroko ng Binundok
    • Padre Damaso - Magaslaw kung kumilos at magsalita at mataas ang tingin sa sarili
  • Tagpuan
    Ang mga pangyayari sa unang kabanata ay naganap sa bahay ni Don Santiago Delos santos o tinatawag ding Kapitan Tiyago. Ang bahay ay matatagpuan sa kalye ng Anluwage na malapit sa pampang ng ilog Binondo.
  • Buod ng Kabanata 01
    1. Isang Pagkakapisan
    2. Marangyang handaan sa bahay ni Kapitan Tiyago
    3. Mga bisita at paksa ng talakayan
    4. Pangungutya ni Padre Damaso sa mga Indio
    5. Pagpaparusa kay Padre Damaso
  • Ang bahay ni Kapitan Tiyago na matatagpuan sa kalye ng Anluwage malapit sa pampang ng ilog Binondo ay napuno ng mga bisita
  • Isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan
  • Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga- istima ng mga bisita at ang mga panauhing babae at lalaki ay sadyang magkakahiwalay
  • Nagpahuli namang dumating ang ibang mga panauhin kabilang na ang magkabiyak na sina Dr. de Espadana at Donya Victorina
  • Hindi nagpahuli sa mga panauhin ng Kapitan ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kung kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tinyente Guevarra, ang tenyente ng gwardya sibil
  • Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may kanya- kanyang paksa upang ilabas ang kani-kanilang saloobin, makipag-tagisan ng kuro-kuro, at humanap ng papuri
  • Ilan sa mga napag-usapan ay ang mga Indio o ang mga Pilipino; ang pagkakaalis ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego kahit na matagal itong nagsisilbi doon; ang monopolyo ng tabako, mga pulbura at armas at marami pang iba
  • Ang paliwanag ni Padre Damaso ay hindi raw nararapat makialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe
  • Tinutulan naman ni Tinyente ang sinabi ng pari at inilahad na ang parusa ay nararapat lamang sa napapanaw ng Kapitan Heneral
  • Ipinaliwanag din ni Tinyente na kaya inilipat si Padre Damaso ay dahil sa pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki na pinagbibintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal
  • Dahil dito ay nagalit si Padre Damaso lalo na nang maalala niya ang tungkol sa mga nawalang mahalagang kasulatan
  • Namagitan muli si Padre Sibyla upang pakalmahin si Padre Damaso
  • Kalauna'y lumawak muli ang talakayan sa pagtitipon
  • Aral o mensahe ng kabanata 1
    Huwag tayong gumaya kay Padre Damaso na nanglalait ng ibang tao, at huwag tayo mag mataas sa ating kapwa. Sa ating pang araw-araw na buhay, nararapat lamang na respetuhin natin ang ating kapwa, mahirap o mayaman, may kaya o wala, dapat na respetuhin natin ang lahat ng tao, pantay pantay dapat ang tingin natin sa ating kapwa.