Malayo ang nilakbay ng wikang Filipino. Nakita natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago o pag evolve ng ating wika. Malaki ang epekto dala ng panahon at makabagong teknolohiya.
Telebisyon
Pinaka makapangyarihang media sa kasalukuyan
Lalo ng dumami ang manonood dahil sa cable at satellite
Wikang Filipino ang pangunahing medium sa telebisyon
Mga programa sa telebisyon na gumagamit ng wikang Filipino
Teleserye
Palabas
Magazine shows
Dokumentaryo
Komentaryo
News program sa wikang English ngunit pinapalabas tuwing gabi at tulog na ang lahat
Eat Bulaga at It's Showtime ay gumagamit ng wikang Filipino
Malakas ang impluwensya ng telebisyon dahil ito ay wikang Filipino
Hindi uso ang mga subtitle o mag dub ng palabas sa wikang rehiyonal
99% ng mga Pilipino ang nakakapag salita ng Filipino dahil sa mga palabas
Makikita sa mga paskil o babala ang wikang Filipino
Kapag nagtanong ka ng direksyon sa Filipino, sasagutin ka rin nila
Radyo
Filipino rin ang pangunahing wika
AM o FM ang gamit ng mga Filipino
May mga estasyon ng radio sa probinsyang may programa na gumagamit ng rehiyonal na wika
Mayroon programa sa FM tulad ng morning rush na English ang gamit
Dyaryo
Wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino naman sa mga tabloid
Maliban sa People's Journal at Tempo na nasulat sa wikang English
Tabloid ang mas mabili dahil ito ay mura at nakasulat sa wikang naiintindihan ng lahat
Ang lebel ng Filipinong gumagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa broadsheet
Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline sa naglalayong makakaakit sa mambabasa
Ang mga local na pelikula ay gumagamit ng Filipino
20 na ang nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ay lokal na tinampukan din ng mga lokal na artista
Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, Bride for Rent
Filipino, Taglish ang wikang ginagamit sa mga pelikula
Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radio, dyaryo, at pelikula
Pangunahing layunin sa paggamit ng Filipino
Upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig o mambabasa na makaaunawa at malilibang
Laganap ang mass media, ang wikang Filipino pa rin ang gamit at ito ay impormal ang tono at hindi gaanong estrikto ang pamantayan ng propesyonalismo
Layunin ng mass media
Mang-aliw, manlibang, at lumikha ng ingay
Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain
Sa patuloy sa paglago ay umuusbong ang iba't ibang paraan ng malikhaing paggamit nito
Sa kasalukuyan, may iba't ibang mauusong paraan na malikhaing nagpapahayag
Fliptop
Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap
Nahahawig ito sa balagtasan dahil sa mga bersong nirarap ay magkatugna
Hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pinagtatalunan
Nagkakasagutan lamang ang mga kalahok at wala itong script
Di pormal ang wikang ginagamit dito
Laganap ito sa mga kabataan at katunayan, nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na Battle League
May mga Fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles
Karamihan ay nasa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle