Karapatang pantao AP

Cards (10)

  • Universal Declaration of Human Rights - ang pandaigdigang dokimento na nabuo noong 1948 at nagtatakda ng pangkalahatang mga pamantayan ng mga karapatan at kalayaan na dapat tamasahinbmg bawat tao saanmang lupalop ng mundo. Nakasalimnito sa mahigit na 500 wika.
  • Karapatang Pantao - mga batayang karapatan, prinsipyo, o kaasalan ayon sa mabuting pamantayan ng pagganap ng isang tao;mga karapatang legal o ayon sa batas ng bansa at ng pandaigdigang komunidad
  • Mga uri ng karapatang pantao - Karapatang Likas, Karapatang Statutory, Karapatang Konstitusyonal
  • Informal Settlements - Mga lugar kung saan nangyayari ang hindi awtorisadong pagpapatayo ng kabahayan (unauthorized housing)
  • Social Media - websites at applications na tumutulong sa mga gumagamit nito na ibahagi ang mahahalagang impormasyon o makisali sa mga usapin (social networking)
  • Karapatang Likas - Ito ay tumutukoy sa mga karapatang payak na taglay ng bawat tao mula pa sa sinapupunan ng ina.
  • Karapatang Statutory - Ito ay mga karapatang itinakda ng batas na isinulat at pinagtibay ng Kongreso.
  • Karapatang Konstitusyonal - Ito ay tumutukoy sa mga karapatang nakapaloob sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas at tuwirang naisulat sa Ikatlong Artikulo o Katipunan ng mga karapatan (Bill of Rights)
  • Bill of Rights - Ito ay sumasaklaw sa mga karapatang pampolitika, sibil, panlipunan, at pangkabuhayan.
  • Intellectual Property - Mga nilikha (creations) ng isip tulad ng imbensiyon, akdang pampanitikan at Likhang-sining (literary and artistic works), mga simbolo, pangalan, at imahe, na ginamit sa komersiyo (trademark), at iba pang likha ng karunungan ng tao.