Ang mga katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbang in upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
Seksiyon 3.
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinadhanan ng batas.
Seksiyon 4.
Mananatiling Angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng bats, na nagtakwil nito.
Seksiyon 1.
Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-bats na ito;
Yaong ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas.
Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero17, 1973 naang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at