Convention on the Elimination of All Forms of DiscriminationAgaintsWomen - Ang una at ganginh pandaigdigang kasunduan na komprehensiblnh tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa aspektong sibil at politikal.
OccupationalSexism - pagtatangi o diskriminasyon na nagaganap sa pinapasukang trabaho kaugnay ng seksuwal na oryentasyon o pagkakakilanlang pangkasarian.
Gender Roles - mga gampanin na nagpapakita kung paano dapat kumilos, magsalita, manamit at mamuhay ang isang tai batay sa kasarian
Gender Equality - Pantay na estado sa pagitan ng mga tao anuman ang taglay na gender. Ito ay itinuturing na payak na karapatan ng bawat nilalang.
UnitedNations Human Right Council - Kinatasan ng United Nations na navlalayong itaguyod at protektahan ang mga karapatang pantao sa buong mundo. Mayroon itong 47 na miyembro at matatagpuan ang opisina nito sa Geneva Switzerland.
Amnesty International - Isang nongovernment organization na naitatag noong 1961 sa London, United Kingdom. Nakatuon ito sa pagsasagawa ng mahahalagang pag-aaral at aksiyon kaugnay ng mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa ibat ibang bansa.
Ladlad - lokal at politikal na grupong LGBT na ang ibig sabihin ay paglabas o paghayag na nakikipaglaban para sa karapatan ng LGBT
Sex Reassignment Surgery - Proseso ng pagbabago ng pisikal na katangian o nakagisnang kasarian (sex) ng isang transgender sa kagustuhang itugma ito sa pagkakakilanlang pangkasarian
Patriarchal System - sistema kung saan ang mga lalaki ang nagtataglay ng pangunahing kapangyarihan sa pamilya at lipunan. Sila ang may higit na kakayahang magpatakbo ng politika, maglatag ng pamantayang moral at tumanggap ng higit na pibilehiyo
Matriarchal System - Pinapahalagahan ang kababaihan kaysa sa kalalakihan.
Sharia - mga panuntunan o batas panrelihiyon ng pananampalatayang Islam.
Sexism - Diskriminasyon sa isang tao o grupo ng mga tao batay sa kanilang seksuwal na oryentasyon o pagkakakilanlang pangkasarian.
Sex Identity - Biyolohikal o pisikal ma katangian na nagtatakda sa pagiging isang lalaki at babae batay sa taglay na reprodutive organ
Kasarian - maaaring tumutukoy sa salitang sex (pisikal na aspekto) o salitang gender ( damdaminno panloob na pakiramdam ukol sa sariling katuhan).
Diskriminasyon - hindi patanggap sa katauhan ng iba o pagpapamalas ng himdi makatarungang pagtrato, pang-aapi, panliligalig, o pananakot, sa kapuwa-tao
SOGIE - kaibahan ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
Homosexual - taong nagkakaroon ng atraksiyong seksuwal o emosyonal sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian ( babae na nagkakagusto sa babae o lalaki na nagkakagusto sa lalaki)
Bisexual - taong nakararamdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian (parehong babae at lalaki)
Heterosexual - taong nagkakaroon ng atraksiyong seksuwal o empsyonal sa miyembro ng kabilang kasarian ( babae na nagkakagusto sa lalaki o lalaki na nagkakagusto sa babae)
Pansexual - taong naaakit sa lahat ng pagkakakilanlang pangkasarian
Asexual - taong hindi naaakit nsa anumang uri ng pagkakakilanlan pangkasarian
Lesbian - babae ang kasarian (sex) na naaakit sa kapuwa-babae; kilala rin sa tawag na "tibo" o "tomboy"
Gay - lalaki ang kasarian (sex) na naaakit sa kapuwA-lalaki; kilala rin sa tawag na bakla o beki
Bisexual - taong nagkakagusto sa kapuwa niya lalaki o babae
Transgender - tao na ang pagkakakilanlang pangkasariannat naiiba sa kaniyang kasarian(sex); ang kaniyang pag-iisip ay hindi naaayon sa kaniyang biyolohikal na katangian bilang babae o lalaki
Queer - taong hindi pa sigurado o tiyak sa pagkakakilanlang pangkasarian
Intersex - Taong hindi lubusang nagpapakita ng hustong pagkakakilanlan batay sa seksuwalidad (halimbawa: wng panlabas na anyo ay lalaki ngunit ang kaniyang panloob na reproductive organ ay pambabae.
2S (Two-spirit) - paglalarawan ng mga katutubong grupo (indigenious group) sa taong may parehong panlalaki at pambabae na pagkakakilanlang espirituwal (masculine and feminine spirit)
+(Plus) - kumakatawan sa iba pang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian