kompan

Cards (105)

  • Malayo ang nilakbay ng wikang Filipino. Nakita natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago o pag evolve ng ating wika. Malaki ang epekto dala ng panahon at makabagong teknolohiya.
  • Telebisyon
    Pinaka makapangyarihang media sa kasalukuyan
  • Lalo ng dumami ang manonood dahil sa cable at satellite
  • Wikang Filipino ang pangunahing medium sa telebisyon
  • Mga programa sa telebisyon na gumagamit ng wikang Filipino
    • Teleserye
    • Palabas
    • Magazine shows
    • Dokumentaryo
    • Komentaryo
  • News program sa wikang English ngunit pinapalabas tuwing gabi at tulog na ang lahat
  • Eat Bulaga at It's Showtime ay gumagamit ng wikang Filipino
  • Malakas ang impluwensya ng telebisyon dahil ito ay wikang Filipino
  • Hindi uso ang mga subtitle o mag dub ng palabas sa wikang rehiyonal
  • 99% ng mga Pilipino ang nakakapag salita ng Filipino dahil sa mga palabas
  • Makikita sa mga paskil o babala ang wikang Filipino
  • Kapag nagtanong ka ng direksyon sa Filipino, sasagutin ka rin nila
  • Radyo
    Filipino rin ang pangunahing wika
  • AM o FM ang gamit ng mga Filipino
  • May mga estasyon ng radio sa probinsyang may programa na gumagamit ng rehiyonal na wika
  • Mayroon ding programa sa FM tulad ng morning rush na English ang gamit
  • Dyaryo
    Wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino naman sa mga tabloid
  • Maliban sa People's Journal at Tempo na nasulat sa wikang English
  • Tabloid ang mas mabili dahil ito ay mura at nakasulat sa wikang naiintindihan ng lahat
  • Ang lebel ng Filipinong gumagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa broadsheet
  • Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline sa naglalayong makakaakit sa mambabasa
  • Ang mga local na pelikula ay gumagamit ng Filipino
  • 20 na ang nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ay lokal na tinampukan din ng mga lokal na artista
  • Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, Bride for Rent
  • Filipino, Taglish ang wikang ginagamit sa mga pelikula
  • Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radio, dyaryo, at pelikula
  • Pangunahing layunin sa paggamit ng Filipino
    Upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig o mambabasa na makaaunawa at malilibang
  • Laganap ang mass media, ang wikang Filipino pa rin ang gamit at ito ay impormal ang tono at hindi gaanong estrikto ang pamantayan ng propesyonalismo
  • Layunin ng mass media
    Mang-aliw, manlibang, at lumikha ng ingay
  • Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain
  • Sa patuloy sa paglago ay umuusbong ang iba't ibang paraan ng malikhaing paggamit nito
  • Sa kasalukuyan, may iba't ibang mauusong paraan na malikhaing nagpapahayag
  • Fliptop
    Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap
  • Nahahawig ito sa balagtasan dahil sa mga bersong nirarap ay magkatugna
  • Hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pinagtatalunan
  • Nagkakasagutan lamang ang mga kalahok at wala itong script
  • Di pormal ang wikang ginagamit dito
  • Laganap ito sa mga kabataan at katunayan, nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na Battle League
  • May mga Fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles, karamihan ay nasa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle
  • Maraming mga videos sa YouTube ang Fliptop at milyun-milyong views ang mga ito